Chapter 4- Broke up ni bituin

5 0 0
                                    

Deinna's POV
"Deinna, panget ba ako? Kapalit palit ba ako?" Madramang tanong sakin ni starrish. Naku, kanina pa yan. Simula nung pinaupo na kami ng english namin na prof yan lagi yung tinatanong nya. Ganyan talaga siguro pag broken hearted.

"Alam mo bituin este starrish, wag ka ngang masyadong madrama mag uusap naman kayo ni rhio pagkatapos kong makalaro yung bao na yun e. Kaya wag kang magmukmok dyan" Nakangiting sabi ko kay starrish sabay kagat sa burger ko. Nandito kami ngayon sa Canteen dahil reccess na. Hindi ko talaga makalimutan yung mukha ni rhio ng malapitan kanina, Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ewan ko ba parang may problema ata ako sa puso, mag pa check up nga mamaya.

"Hay deinna sana talaga maayos namin yung problema namin pagkatapos no? Imagine wala pa kaming kalahating araw kinalimutam nya agad ako? Para syang..."

"Playboy" dugtong ko bago matapos yung sinasabi ni starrish. Ayaw nya kasing maniwala, ayan nasaktan sya ng sobra. Pero hindi ko naman sinisisi si starrish nagmahal lang naman sya. Buti pa yung bigas nagmamahal paano pa kaya si rhio sa kanya? Ay naks, may hugot ako mailagay nga sa wattpad.

Yung tingin ni starrish sakin ang sama. Ano? Totoo namang playboy yun e.

"What?"

"Alam mo minsan deinna naiinis ako sa pagiging judgemental mo sa isang tao. Pero nung sinabi mong playboy si rhio parang naniniwala na ako" lintaya ni starrish habang tinutusok tusok nya yung spaghetti gamit ang tinidor, wala na lasog na yung spaghetti.

"Bakit ka naman maniniwala agad sakin? Like hello? Boyfriend mo yung pinagdidiinan kong playboy hindi ka magagalit?" Ngumiti lang sya sakin ng pilit saka umiling. Alam kong pilit yun hindi kasi sya tumitingin sakin, ganun sya e. Pag totoo ang ngiti nya haharap sya sa tao at ipapakitang masaya sya. Hala, nasaktan ko ba si starrish? Masyado ba akong naging judgy? Ay, judgy ba yun? May salita bang ganun? Ah ewan

"Hindi ako magagalit, wanna know why? Tingnan mo sya ngayon may kasamang iba samantalang ako, nandito nanlulumo" sabi nya sabay nguso sa likuran namin. Lumingon naman ako, Nakita ko yung table nila rhio. May nakaupong babae sa lap ni rhio, at ang babaeng iyon ay si natasha. Sabi ko na nga ba lalandi na naman tong babaeng 'to e. Bumalik ang tingin ko kay starrish na ngayon ay nakayuko at may tubig na tumutulo sa kanya mukha. Putakteng yan! Umiiyak bestfriend ko!

Tinabihan ko si starrish saka ko hinagod ang kanyang likod. Ang hirap palang maging broken hearted.

"Sige lang ilabas mo yan. Nandito lang ako para sayo" hikbi lang ng hikbi si starrish. Napatingin naman ako sa lamesa nila rhio nang bigla rin syang tumingin sakin. Wait, ako ba tinitingnan nya o yung nasa likod ko? Lumingon ako sa likod, parang hindi naman  tapos tumingin ulit ako kay rhio ng bigla syang kumindat with smile saka  nya kinausap ulit yung tropa nya. Takteng puso yan, kinindatan kalang deinna ano ba?

"Deinna, sa tingin mo *sniff* hindi ba ako karapat dapat sa kanya? Mali bang mahalin ko sya kahit hindi nya naman ako minahal?" Tanong sakin ni starrish habang sumisinghot pa. Hindi na sya nakayuko at nakatingin na sya sa mga mata ko. Mga mata nyang puno ng lungkot.

"Starrish para sakin karapat dapat ka. Kaparat dapat kang mahalin pero hindi ka karapat dapat para sa kanya. Alam mo kung bakit? Kasi mas karapat dapat ka sa isang taong hihigitan pa ang pagmamahal mo kumpara sa pagmamahal mo sa kanya" mahabang lintaya ko kay starrish. Bumuntong hininga sya, kaya mo yan starrish.

"Thank you deinna. Salamat sa payo mong sinasabing mahalaga ako. Thank you talaga!" Masiglang sabi nya sabay yakap sakin. Hay salamat, Nagbalik na ulit ang starrish na kilala ko

"Walang anuman starrish. Syempre para sayo, lahat ng makakabuti sayo gagawin ko" sabi ko sabay ngiti. Humiwalay na sya sakin dala ang kanyang abot gilagid este tengang ngiti.

"Deinna, mamaya sa laro nyo ni rhio. Pwedeng pahingi ng pabor?" Sabi nya sabay ngisi. Lumingon sya kila rhio, sa mga mata nya parang may masamang balak 'tong babaeng ito ah.

"Sige ano ba yun?" Tanong ko sakanya saka sya bumulong sakin. Kung ano man ang ibubulong nya.

"May we call on the stage. The most handsome and sexiest man in this school, Mr. Rhio!" Naghiyawan ang mga estudyante na may kasama pang palakpak nung  umakyat si rhio sa stage. Heto na, lalaban na ako kay bao. Gagawin ko 'to para kay starrish, hindi dahil mag uusap sila kundi dahil sa  plano namin sa kanya *evil grin*

"Deinna, galingan mo ah. Yung plano natin don't forget" bulong sakin ni starrish dahil hindi ko sya maririnig dahil sa nga hiyawan ng mga schoolmates ko. Uwian na pero parang walang umuwi sa kanila, siguro alam nilang may kakalaban sa kanilang kunwaring hari which is si rhio ang tinutukoy ko.

"And now let's call on the stage Ms. Deinna Grace Litsworth!" Walang pumalakpak o humiyaw man lang sakin dahil nag 'boo' sila. Takteng yan, tingnan nalang natin mamaya.

Nang maka-akyat na ako sa stage nakita kong nakangisi si rhio. Ngumisi rin ako sa kanya. Let's see what you got Rhio. Umupo na ako sa upuan kung saan nasa harap ko ang chess board ako ang white ibig sabihin ako---

"Hep! Hep! Ms. Litsworth wala pa kaming sinasabing umupo ka dyan. Hindi pa tayo nag t-toss" tugon ng MC kaya naman napatayo ako. Patay kang bata ka, may first warning na ako takte! Nakita ko namang lumaki ang ngisi ni rhio. Pasalamat ka rhio dahil may pasensya pa ako sayo sa kakangisi mo kasi ang cute mo. Ano ba Deinna! Focus!

"So dahil umupo agad si Ms. Litsworth ng hindi pa tayo nag t-toss may first warning na sya" Sabi ng MC. Oo na paulit ulit?  isa pa. Ang toss ay yung babaliktarin yung piso, papahulaan ka nila kung Tao o ibon tapos kung sinong tama ang hula, sya ang magiging white player.

"So let's make a toss" pinalipad na nung MC yung piso saka tinakpan nung pagkalapag.

"Mr. Rhio and Ms. Litsworth, Tao o ibon?" Tanong nya

"Ibon!"

"Tao!"

Sabay naming bigkas ni rhio. Ako yung ibon at sya naman ang tao.

"Then ang lumabas ay... Ibon! Ms. Litsworth, ikaw ang white player!" Sabi nya. Umupo na ulit ako, sabi ko na e. Umupo na rin si rhio sya ang black player. I guess the plan is going to begin.

SanaWhere stories live. Discover now