Deinna's POV
"STOP! RHIO IS CHEATING!" Rinig kong sigaw ni starrish. Ano bang nangyayari? Si rhio nandadaya? Paano? Pareho kaming nandadaya sa laro? Dahil wala akong makita nanatili akong nakikinig sa kanila dahil hindi pa pwede tanggalin ang blindfold sa mata."What? How can you say so?" Sa tingin ko yung MC ang nagtanong. May pa 'How can you say so' ka pang bakla ka. Malamang sinabi nya yun gamit ang bibig naku naman. Kumapa-kapa pa ako para makita ko na yung finger print na yun ng may nakapa akong parang kamay, wait maugat sya mga bes! Lalaki ba ito? Kamay ba ito ni rhio? Hala shiti! Narito na naman ang puso kong kasing bilis ng kabayo sa pag tibok. Is this love? Oh no no, ayokong mainlove sa bao na 'to takteng iyan!
"May antena sa tenga ni Rhio at ang antena na iyon ay nakakonekta sa isang taong nagsasabi sa kanya ng dapat galawin na chess pieces gamit ang telepono, doon nya sinabi ang dapat nyang gagalawin ngunit ang taong iyon ay nasa kalayuan kaya naman kakailanganin nilang gumamit ng telescope para makita ang stage. And that two guys are Kent and Dharwin" Tinanggal ko na ang blindfolds ko sa mata. Bahala na kung hindi ako manalo, Pero totoo? Rhio cheated so that panalo pa kami. Hindi pa alam ng Judges na nandaya rin kami unless kung may magsabi, patay kami kung meron man. Sira ang plano---
"THEY CHEATED TOO!" May sumigaw uli sa loob ng maraming estudyante. Nagkaron naman agad ng daanan mula sa mga estudyante. Para silang sundalo na nagi-give way sa kanilang chief. Sa dulo ng daan kita ko doon ang dalawang lalaki na tumatakbo, Sila yung kasama kanina ni Rhio na late ring pumasok sa room at yung isang lalaki ay si Kent na kuya ni starrish. Yung isa hindi ko kilala. Anong ba talagang nangyayari? Alam ba ni kent ang plano?
"May Cheating na namang nangyari? Hindi ba kayo marunong maglaro ng patas!? Fine! Sabihin mo kung paano nandaya sila Miss Litsworth" Takte! Bulwag na talaga ang plano! Tumingin ako kay sa starrish with look na 'Paano nila nalaman?' Umiling lang sya sakin sabay yuko. Ano ba yan! Hindi ko sya maigaganti kay rhio! Sa pagsabi nyang maharot ang kaibigan ko! Putakteng yan! Lumingon ako kay rhio na wala man lang reaksyon sa nangyari, Takte talaga. Hindi ba sya kinakabahan? Pareho kaming magkakaroon ng punishment kapag napatunayang nanduga talaga kami sa laro!
"Mayroong Invisible Finger Print sa kamay ni deinna, konektado iyon sa hollographic contact lense nya sa mata kaya naman pag natanggal ang finger print ay magba block out ang mga mata ni deinna" Talaga nga namang matalino ang kapatid ni starrish. Alam nya ang bawat kilos ng kapatid nya, kahit hindi sila close alam kong nakabantay sya lagi sa kapatid nya.
"WHAT!? For the first time Miss Litsworth you cheated on your own game! And you Mister Rhio what have you've done? I know your dad will get mad at this!" Pagsigaw samin ng dean namin ng school. Nandito kaming lima sa loob ng office ni dean at kasalukuyang pinapagalitan. Hay naku, may pa blindfolds pa kasing nalalaman 'tong bao na ito e. Kung hindi kami mandadaya edi hindi kami mananalo. Masisisi nyo ba kami ni starrish kung nandaya kami? Ang hirap kayang maglaro ng chess with blindfolds. I wonder bakit nandaya rin sila rhio, e sya yung nanghamon tapos nandaya rin? Hanep!
"I don't care about dad" walang ganang sabi ni rhio. Magkaharap kami sa table ni dean, nasa likod ko si starrish, at nasa likod naman ni rhio si kuya kent pati yung Dharwin. Kanina ko lang nalaman yung pangalan nun kasi sinabi sa akin ni starrish.
"Well this school have care for you five, Cheating is not allowed so that i will give you guys a punishment" Napatalon ako sa gulat sa sinabi ni dean. Patay kang bata ka! May punishment! Naalala ko na may atraso pa sa akin si starrish, yung hinayaan nyang mabuwag ang plano. Ewan ko ba kung hinayaan nya yun o pinigilan, kasi kung pinigilan nyang mabuwag yung plano dapat may gawin sya. Siguro naman hindi nya hahayaang mabuwag ang plano namin para maipaghiganti ko sya kay rhio dahil sa pag break sa kanya. E kung itanong ko kaya sa kanya kung anong nangyari? Edi nasagot yung tanong ko. Katangahan mo naman self umiiral.
"Starrish, ano bang nangyari?" Bulong ko sa kanya. Sa tingin ko naman nakuha ko ang atensyon nya kaya naman sumagot sya agad.
"Ganto kasi yun deinna, may napansin kasi ako sa tenga ni rhio na parang antena tapos nung makalapit ako sa stage---"
"MISS LITSWORTH AND MISS REQRISE!" Napatigil si starrish sa pagbulong sakin kasi sumigaw si dean.
"Do you two understand your punishments?" Tanong nya samin.
"Yes Dean" Sabay pa kami nyan ni starrish mag yes kahit hindi namin alam kung ano yung sinasabi niya.
"Well go! You three Kent, Starrish and Dharwin can go home now. Gawin nyo na ang essay na pinapagawa ko na tungkol sa hindi na kayo uulit mandaya" Silang tatlo lang? Eh pano kami ni rhio?
"Paano po kami ni rhio?" Tanong ko kay dean. Nakita ko namang napa rolled eyes si rhio. Bakla nga 'to mga besh.
"Hindi ka talaga nakinig sakin kanina ano? You two will clean the storage room" Nagulat ako sa sinabi ni dean. What?! Kami? Maglilinis ng Storage Room? Eh ang lawak nun at napakatagal ng hindi ginagamit kaya sigurado akong napakarumi na ng kwarto na iyon.
"Bukas pa ho diba?" Please sana bukas pa kami maglinis---
"Nope, Ngayon" Ngumiti pa ng nakakaloko si Dean. Ano ba yan! Eh pano sila papa? Hindi ako pwedeng lumagpas sa curfew kong 6 PM!
"Tinawagan ko na ang papa mo Miss litsworth kaya ok lang daw na lumagpas ka sa curfew mo" Mukhang nabasa ni dean ang nasa isip ko ah! Napa buntong hininga nalang ako dahil makakasama ko itong bao na 'to sa paglilinis. Pwede naman kaming bigyan ng punishments ng magkahiwalay pero bakit magkasama pa kami? At bakit parang may nagdiriwang sa tyan ko ng kung ano. Parang gusto pa nila atang magkasama kami ah? Ok sige, maglilinis lang naman kami ng bao na 'to eh, uulitin ko maglilinis lang.
"Ok Dean i'll do it" Lumaki naman ang mata ni rhio. Bakit?
"Seryoso ka? Gusto mong maglinis sa room na iyon?" Tanong nya.
"Hindi ko gusto, kailangan lang. Kaya pwede ba. Wag ka ng mag-inarte"
"Tsk. If i know kaya mo ako kinalaban para mapansin kita dahil may crush ka sakin" Napakunot ang noo ko sa sinabi ni rhio. Ang kapal ng mukha nya ah! At anong crush? Eh wala nga sa bokabolaryo ko ang salitang iyan.
"Aba't ang kapal---"
"Opps tama na iyang bangayan nyo. Magsimula na kayong maglinis para makauwi na kayo agad. Mag-gagabi na oh" Lintaya ni dean. Nagpaalam na ako kay starrish, aalamin nya daw kung paano nalaman ng magaling nyang kuya ang plano. Paano kaya?
Pumunta na kami ni rhio sa janitor's room para kuhanin ang mga gamit panglinis. Tahimik lang kami ni rhio habang papunta sa storage room. Tiningnan ko si rhio na diretso lang ang mata nya sa daan. Nasabi ko na ba sa inyo ang itsura ni rhio? Kung oo uulitin ko lang. He got singkit eyes, sorry hindi ko alam english ng singkit eh. Pagkatapos ay mayroon syang matangos na ilong, pinkish lips.
"Wag mo nga akong titigan" Sa tagal ko sigurong nakatingin kay rhio, napatitig na ako sa kanya.
"Anong titigan? Assuming ka?" Kunwari hindi ko talaga sya tinititigan, baka kasi mahuli. Iba pa naman utak nyang bao na yan.
"Sus, kunwari ka pa. Aminin mo nga sakin, May crush ka sakin ano?" Tanong nya. Hindi ko magawang tumingin man lang sa kanya, ewan ko ba. Nagiinit ang pisngi ko kapag napapatitig ako sa kanyang malalamig na mata.
"Oh ba't hindi ka agad sumagot? It means totoo?" Napatingin naman ako sa kanya. Anong totoo? Na crush ko sya? Aba't ang kapal naman!
"Heh! Walang totoo! First of all, Hindi kita crush dahil wala sa bokubolaryo ko ang salitang crush and second, kung magka-crush man ako sayo ayusin mo muna iyang buhok mong bao. Okeh?" Sambit ko sakanya sabay flips hair saka ako tuluyang naglakad patungo sa storage room.
YOU ARE READING
Sana
Teen FictionIsang storyang binuo at winasak ng salitang sana. Storyang akala mo perfect na, yun pala komplikado pa. Si Deinna Grace Litsworth, A Mean Girl but soft hearted pagdating sa mga taong malalapit sa kanya. But one day he met Rhio. Ang lalaking misteryo...