Chapter 2 - How?

5 0 0
                                    

Deinna's POV
Nandito na ako sa room namin. Umaga palang kaya wala pang masyadong mga estudyante. Matapos nung nangyari kahapon yung babae pinaalis ko na. Masyadong extra sa story e. Yung make up ng babae nasira dahil sa kakaiyak nagkalat tuloy yung eyeliner nya sa mukha kaya ayun dugyot. Ewan ko ba kung bakit iniiyakan nya yung lalaking yun. Kung ako sa kanya, sinapak ko na yun. Sa simpleng away mag b-break na sila? Ay bakit ba ako affected? Haler story ko to.

"Kung ako dun sa babae huhu hinabol ko yun. Kung mahal nya ako haharapin nya huhu ako diba?" May pa iyak effect pa 'tong si starrish. Kinwento ko sa kanya yung nangyari kahapon tapos ayan umiyak ewan ko ba dyan. Pag usapang heart break umiiyak lagi siguro dahil yan sa naging crush nyang bakla sa probinsya nila. Napaka-mapusok nyang bestfriend ko pati bakla pinapatulan, base sa nga discription nya cute daw tapos nag confess sya nung nasa plaza daw sila kaso ayun friendzone ang lola nyo. Hindi daw kaya magpakalalaki nung bakla. Kaya hanggang ngayon di pa sya nakaka-move on.

"Ang drama mo 'te. Pero alam mo in-expect ko na naiiyak ka at hindi maiinis" sabi ko kay starrish sabay kagat sa bolpen ko.

"Bakit naman?" Tanong nya

"E kasi, ikaw may experience ka na sa 'love love' na yan kaya umiiyak dahil sa sakit. Ako hindi pa, naiinis ako dahil sa ugali nung putragis na lalaking yun akala mo pogi! Buhok bao naman! Grrrr" naiinis na sabi ko. Ano ka ba naman deinna? Bat ka ba naiinis? Dahil ba sa ginawa nung lalaki? E wala ka pa namang experience sa love na yan kaya dapat hindi ka magpa-apekto. Saka inaalala ko pa naman yung guy. Ang gwapo nya, matangos ilong, pinkish lips pero yung buhok.... uhm nevermind HAHAHA.

"O kalma, change topic. Nasagutan mo yung assignment sa math? Pakopya!" Sabay kuha nya sa bag ko nang walang paalam sakin. Napakagaling talaga ng kaibigan kong 'to -_-

"Tama ba 'to?" Tanong nya ng makita na assignment ko. 'Yan tayo e, mangongopya na nga lang magdududa pa.

"Mali siguro yan, wag mo na kopyahin para wala kang assignment :)" sarkastiko kong sabi. Sya naman nag pout piling kyut mukha namang utut de joke lang HAHAHA.

"GUYS! SI RHIO! NASA GATE! TARA!" Napalingon naman kami sa sumigaw. Si natasha pala, isa sa pinakamahaharot, sipsip at ang best discription sa kanya malandi. Paano ko nasabi? Kasi kahit boyfriend ng kaibigan nya pinapatulan nyan. Paano ko nalaman? Ay syempre tinatanong pa ba yan? Hindi ko sinasabing tsismosa ako a? Pero parang ganun na nga.

"Sinong rhio?" Tanong ko kay starrish. Eto naman ngiting ngiting kita na gilagid. Wait rhio...rhio...rhio... parang kilala ko yang pangalan na yan 'di ko lang matandaan

"Ano ka ba friend, hindi mo kilala baby ko?" Pagbalik ng tanong ni starrish sakin. Rhio, isa ba yung ibon? Diba movie yun? Haha nakakatawa yung joke ko grabe.

"Anong baby ka dyan? Dami mo ng baby ah, pati sa kpop world marami"
Sabi ko kay starrish.

"Huy! Friend! Halika na! Baka hindi ko pa makita si baby rhio ko!" Sigaw nya sabay hila sakin. Naalala ko yung assignment ko sa math naiwan sa table ni starrish, hala baka may kumopya!

"Sandali starrish! Yung notebook ko!"
Sigaw ko pero parang wala syang narinig tuloy pa rin sya sa pagkaladkad sakin.

"Mamaya na yun!" Sabi nya ng hindi lumilingon.

"Bibitawan mo ko o ipo-post ko sa facebook epic pictures mo?" Pag banta ko sa kanya. Agad nya naman akong binitawan kaya napaupo ako sa sahig dahil sa biglaan nyang pagbitaw sakin. Aray! Shiti naman! Ang sakit ng pwet ko putek!

"Ayan binitawan na kita, ok bye na friend! RHIOOO!!!" Sigaw nya sabay takbo palabas ng building. Aba'y walang hiya iniwan talaga ako dito ng hindi ako tinatayo. Napakabait talaga nun kahit kelan -_-

SanaWhere stories live. Discover now