Ikalawang Kabanata: His POV

957 40 9
                                    

Credits to Pinterest for the photo above.

---*

Third Person's POV

Naglakad ang lalaki papunta sa dulong bahagi ng palasyo. Kailangan niyang batiin ang kanyang kapatid, ngayon ang ika labing walong kaarawan nito kung kaya't hindi nya hahayaang matapos ang araw na ito ng hindi niya nababati ang kapatid.

Binagtas nya ang madilim na pasilyo patungo sa kinapipiitan nito

"Mahal na Prinsipe." Nagsiyukuan ang mga bantay sa bahaging iyon ng palasyo nang siya ay dumaan.

Oo isa siyang prinsipe. Ang prinsipe ng buong Etheria.

"Buksan mo." Utos niya sa huling bantay na nandoroon.

Binuksan ng bantay ang unang pinto at hinayaan siyang makapasok. Binagtas nya ang huling dalawang pinto bago makita ang kanyang hinahanap.

"Happy Birthday Princess." Bati nya at tuluyang lumapit dito.

"Ang buhok ko Mahal na Prinsipe." Malamig na sabi nito.

"Oh Sorry! Pakitabi naman kasi." Sinubukan nyang maging masaya sa harap nito.

Hinawi niya ang buhok na nagkalat sa buong silid. Mahaba ang buhok nito na kung susukatin ay lalagpas na kanyang paanan.

Ang babaeng kaharap niya ay ang kanyang kapatid. Ang kanyang nakababatang kapatid. Kung bakit nakapiit sya rito ay hindi nya alam sa dahilang walang nagsasalita tungkol dito.

Sampung taon na mula ng malaman nya ang tungkol sa babaeng nakapiit sa lugar na ito na agad nya namang itinanong sa kanyang Amang Hari at doon nya rin nalaman na kapatid nya ito. Ilang beses na nitong gustong itakas ang kapatid ngunit bigo rin sila ng maraming beses dahil sa kapangyarihang bumabalot sa lugar na kinapipiitan nito.

Ang tanging sabi ng kanyang Ama ay hindi nila ito maaaring pakawalan dahil isa itong mamamatay tao. Pinatay daw nito ang kanilang ina, ang taong nagluwal sa kanya.

Hindi sya naniniwala sa lahat ng sinabi ng Ama niya dahil nakita niya kung gaano kasaya ang kanyang Ina nang magsilang ito ng babaeng anak gayon din ang kanyang Lola na hanggang sa huling hininga nito ay ang pangalan ng kanyang kapatid ang binanggit.

"Mahal na Prinsipe." Natigil sa pag iisip ang Prinsipe dahil sa magandang boses ng kapatid.

"Oh. Kain na." Inilapag niya ang dalang pagkain at sinabayan ito.

"Salamat... Kuya..." Napangiti ang prinsipe sa narinig at agad kinuha ang suklay na sa kanya rin nanggaling at agad pumunta sa likuran ng kapatid. Sinuklayan nya ang mahabang buhok nito habang siya ay nakain.

Naaawa siya sa kapatid dahil hindi ito kinikilalang anak ng kanilang Ama ngunit alam niyang walang galit ang kanyang kapatid dito dahil may mabuting puso ang kanyang kapatid kung kaya't mahal nya ito.

"Bukas sasamahan ko si Prinsipe Zeo na manghuli ng Baboy Ramo sa gubat dahil huling araw na nila bago sila pumasok sa akademya." Paninimula ng Prinsipe. Hindi sumagot ang kanyang kapatid kaya't tinuloy nito ang pagku kwento.

"Alam mo ba na magaling talagang mag hunt ng nga hayop yun? Minsan nga eh nakapana sya ng paniki. Akalain mo yun gabi na eh nakita pa nya yun." Masayang pagku kwento niya.

"Gusto ko ring maranasang manghuli ng hayop." Malungkot na sabi ng Prinsesa.

"Balang araw mahal kong kapatid. Balang araw. Pag ako na ang naging hari ipapakilala kita bilang Prinsesa ng ating kaharian. Just wait Princess. Just wait Nasha..."

--

Her POV

Nagising ako sa pagbukas ng aking kulungan. Maaga si Kuya ngayon? Akala ko ba-

Nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang narito. Agad akong yumuko upang di mahalata ang pagkagulat ko.

"Tumayo ka." Utos niya na agad ko namang sinunod kahit na nanghihina ang aking mga paa na may kadena.

"Mahal na Hari..."

"Simulan mo na." Hindi nya sakin sinabi iyon kundi sa mga taong kasama nya.

"Wizards.." Bulong ko..

Naramdaman ko ang pag gaan ng mga kadenang posas sa aking paa, kamay at leeg. Pinapakawalan nya na ko?

"Hindi dahil tinanggal ko ang mga iyan ay malaya ka na. Tinanggal ko ang mga iyan upang umalis ka na! Labing walong taong gulang ka na. Sa madaling salita wala akong pakialam kung ano pa man ang kinahinatnan mo sa lugar kung saan ka man mapadpad." Nagtubig ang mata ko sa kanyang sinabi.

"Mahal na Hari. Maaari po natin siyang ipadala sa Akademya. Mula roon ay hindi na sya makakalabas pa at makakapunta rito. Hindi natin sya maaaring hayaan na mamatay kahit na gustuhin pa man natin sa dahilang ang ating Mahal na Prinsipe ay malapit sa kanya." Nakayukong sabi ng isa sa kanila.

Nakita kong tumingin sya ng masama sa akin habang nagiisip.

"Ipadala sya sa Akademya. Siguraduhin mo na hinding hindi nila malalaman kung kaano ano ko sya!" Matigas na sabi ng Hari bago kami iniwan.

Lumapit ang isa sa mga wizard upang pagalingin ang mga sugat ko. Tila natatakot pa ito sakin.

"Huwag na. Ako na." Agad agad naman itong tumayo at lumayo sa akin.

"Sumunod ka sakin sa sasakyan upang ipahatid ka sa akademya." Agad kong tinipon ang mahaba kong buhok at sumunod na maglakad sa taong naiwan ng mga wizard.

Sa tingin ko siya ang kanang kamay ng aking Ama.

"Heto ang mga gamit na kinakailangan mo at ilang kagamitan na pag aari mo. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa Mahal na Prinsipe." Sabi nya at lumapit sa sasakyan na nasa labas ng Palasyo.

Nilingon ko ang tore kung saan ako nakapiit at napaluha.

Ang kuya ko. Iiwan ko sya...

Tinawag akong muli ng lalaki kung kaya't lumapit na ako rito.

Pumikit ako at gumawa ng isang bagay na alam kong alam ng mahal kong kapatid. Isang paruparo.

"Alam ng Mahal na Prinsipe kung ano ito kung kaya't ibigay mo ito sa kanya bilang pagpapaalam ko upang hindi niya sisihin ang Mahal na Hari kung sakali man." Kinuha naman ito ng lalaki at tumango. Nakita ko ang kanyang mga matang may lungkot para sakin.

Pumasok ako sa sasakyan kasama ang ibang gamit na ibinigay sakin.

"Paalam binibini.. Paalam... Mahal na Prinsesa.." Narinig ko ang nasa isip na iyon ng lalaki kung kaya't napalingon ako dito.

Malayo na ang pagitan ng sasakyan at ng palasyo nang ikampay ko ang kamay ko upang pumunta sa kanya ang isang laso. Isang pagpapalang laso mula sakin. Nawa'y maging ligtas ka sa lahat ng oras ginoo.

Binuksan ko ang mga gamit upang tignan kung ano ang laman nito. Ilang piraso ng tinapay. Isang bagong sapatos at isang envelope. Kinuha ko ito at binasa. Isang registration form para makapasok sa akademya. Tinignan ko ang pangalan na nakasulat at napabuntong hininga.

Hanggang ngayon ayaw nya parin sakin.

Ayaw parin ako ng aking Ama..

"Nasha Lux.."

Mallory (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon