Ika Dalawampu't Tatlong Kabanata

284 17 1
                                    

Jack's POV

"Dito na ba?"

"Jack pag di ka tumigil kakatanong ipapasunog kita kay Ace!" Alam ko inis na din sakin si Merliah pero ako din naman eh!

"Hoy bata ano na ba? Kanina pa tayo naglalakad eh!" Tawag ko sa batang nakasakay sa likod ng wolf form na si Kyle, kasabay niya si Nasha.

Di nanaman nagsalita yung bata at panay lang yung turo. Tulak ko kaya yon?

Lumingon ako sa paligid. Yung mga puno nagsisimula na ulit tumubo, ang galing talaga ni Anya.

"Look." Rinig ko ang boses ni Anya kaya napalingon ako.

"Is that a city?" Tanong ni Merliah.

May mga ilang bahay at may ilaw, for sure may tao don diba?

Panay naman ang ungol ng bata habang nakaturo doon.

"Taga doon ka ba?" Mahinahong tanong ni Nasha.

Sunod sunod naman ang tango nung bata.

Nagsimula nanaman kaming maglakad.

Sa lahat ng niligtas namin itong bata lang ang hindi tumakbo paalis and she cling on Nasha and Kyle at dahil sinabi ng Mahal na Prinsipe na kung pwede idaan siya sa lugar nila bago kami magpatuloy ay heto nga at naglalakad kami.

Tangina. Maguumaga nasa daan pa kami. Kelan kaya kami makakatulog? Hayup.

Pagod na ko. Huhuhu

Napakunot ang noo ko nang makarating kami sa bayan. Tahimik at walang kahit isang tao.

"Nasha.. Sure ka bang taga dito yang bata?" Rinig kong tanong ni Anya.

"Oo, dito sya nakaturo eh." Sagot naman ni Nasha.

"Hey!" Napalingon ako nang sumigaw si Merliah.

Tumakbo yung bata papunta sa dagat.

Nasha raise her hand kaya naman tumigil ang bata sa ere bago pa ito makatalon sa tubig.

"What the hell are you doing?" Tanong ko sa bata.

She started to cry at parang gustong gusto nya talagang tumalon sa tubig.

"Let her be." Rinig namin ang boses ni Zeo.

"Ano?" Tanong naman ng Prinsipe.

"Let her be. Her town is under the water." Sagot naman ni Zeo.

Nasha then put her hand down kaya naman malayang nakatakbo at nakatalon ang bata sa tubig.

Lumapit kami upang makita ang bata.

"Are you sure about this Zeo?" Tanong ni Nasha.

Hindi ko naman narinig ang boses ni Zeo na sumagot kaya lumingon ako.

Zeo is looking at the water.

Napalingon din ako sa tubig pero nagulat ako nang lumitaw ang ulo ng bata kanina.

"Ah shit." Napahawak ako sa dibdib ko.

Buti wala akong sakit sa puso hayup.

"Thank you for bringing me home." Sabi nung bata.

Huh? Nagsalita yung bata? Diba kanina puro ungol lang sya?

"Nakakapagsalita ka na?" Tanong ni Nasha.

"Opo. Pag nandito sa tubig." Nakangiting sagot niya.

"Are you like a siren?" Takang tanong ni Merliah.

"Hindi po. Iba ang lahi namin sa kanila." Sagot niya.

Mallory (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon