"MASAKIT"

186 8 1
                                    


"Masakit"

By Jaliyah Maninang

ang sakit pala masaktan
nung nalaman mo na nagaasume ka lang pala
ang hirap sobrang nahihirapan
yung tipong akala mo gusto ka niya

bakit kaya ang sakit, ang sobrang sakit
mas masakit pa sa lahat
baka ako naman ay sadyang malamig?
nawawala sa sarili na para bang pakalat-kalat

bakit di mapigilian yung mga luha
sa tuwing ikaw ay naaalala
pano ba pigilian ang ilang oras na pagiiyak
nung isipin ko na baka di mo ako saluhin at sa sahig bumagsak

parang kahapon lang masaya tayo
nung isang araw ikaw pa nga kasama ko
bakit ngayon parang nagiba yung mundo
nung malaman na iba pala at hindi ako

kaibigan, friends,kapatid, lang ba?
dapat dati palang sinabi mo na
para yung mga nararamdaman ko ay aking naitama
sa tuwing nakakausap kita

di ko makalimutan yung araw na naghawakan tayo ng kamay
yung sakanya kalang nakafocus at parang nawawalan ng malay
yung mga oras na tayo lang, wala tayong kasama
pero bakit ngayon, lahat ng yon nawalan ng kwenta

siguro ang lahat ay huli na
kaya tama lang na ako ay umalis
malay mo in the future may pag asa pa
pero para sakin, di yun ganun kabilis

siya ba talaga gusto mo
ang daming tanong sa isip ko
pero siguro mas bagay kayo
kaya parang panahon na para magbago

okay lang naman, sobrang okay lang
masaya naman ako para sa inyo
wala naman akong magagawa, kundi maging masaya lamang
ganto naman talaga pag nagmamahal ng totoo,
masaya ka na kapag feel mo na masaya din yung mahal mong tao.

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon