"KAIBIGAN"

83 6 0
                                    

"Kaibigan"

By Jaliyah Maninang

Siya yung palagi lagi mong kasama
siya yung tipong lagi kang pinapasaya
sasamahan ka sa tuwing ika'y mag-isa
ngunit bakit parang may nararamdaman ka sa kanya?

Sa mga oras na lumalapit siya sayo
kalungkutan mo'y biglang nagbabago
uupo siya lagi sa tabi mo
papakingan ang kanyang mga kwento

Aasarin mo siya na may gusto sa iba
kahit ika'y may gusto sa kanya
sasabihin mo na may iba kang gusto
pero kapag iba kasama ika'y magtatampo

Palaging gustong balik- balikan ang kanyang mga yakap
nawala lang saglit agad agad mong hinahanap
araw araw siya ang laging gusto mong makausap
hay nako, hanggang kailan ka ba magpapanggap?

Mga araw na magkahawak ang inyong mga kamay
magkatabing nakikinig sa iisang earphones at iisang tugtugin
pinagmamasdan ang kanyang ngiting kabuhay-buhay
mayghad, paano ko ba ito aaminin?

Pinagtutuunan ang mga litratong tayo lang magkasama
tinititigan ang mga kislap ng kanyang mata
makita lang kita, araw ko'y kumpleto na
kaya pa bang pigilan ang aking nadarama?

Nagseselos kapag may iba kang kakwentuhan
kapag kasabay mo ang iba mo pang kaibigan
idinadaan ko nalang sa tawa para hindi halata
kasi wala akong karapatan, hindi naman kita jowa

Pero sana hindi ka magbago
tumakbo ulit tayo ng parang walang nakakakita
hanggang kailan ko ba ito itatago
hanggang kaibigan lang ba talaga?

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon