"PANGANAY"

76 5 0
                                    

"Panganay"

By Jaliyah Maninang

Ikaw nalang, Ikaw nalang palagi
Ikaw na yung masama, ikaw na yung mali
Ikaw na yung walang kwentang kapatid
Ikaw nalang, Ikaw palaging sinisisi

Bakit ba palaging ako
kasi ako yung pinakamatanda?
kung yan lang dahilan niyo
parang di naman yun tama

Palaging pinapagalitan ng walang dahilan
dapat daw ganito, dapat daw kasi ganyan
paulit ulit nalang, naiintidihan ko naman
may tenga po ako, naririnig ko po yan

Ako yung nagmumukhang masama
kahit naman hindi
nanahimik na lang nga
pero ako parin mali

Okay lang naman po, sanay na ako
na araw araw ako nalang palagi
di lang naman ako yung panganay sa mundo
ang nakakaramdam din nito ay madami.

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon