"MALAYO"

57 5 0
                                    

"Malayo"

By Jaliyah Maninang

Sana pala, sinulit ko na
yung mga panahong kasama pa kita
sana pala, naisip ko na
ikaw lang pala tanging nagpapasaya

Bakit ganon, ngayon ko lang naisip
na parang di kumpleto kung wala ka
kaya ngayon, sana ay panaginip
na mapalayo tayo sa isa't isa

Kung kailan malayo ako sayo
dun ko gustong kausapin mo ako
pero sana di ka parin magbago
at magkita ulit tayo

Di ko naman gustong lumayo
at syempre di ko rin gustong umalis
kasi ikaw lang naman gusto ko
at ikaw lang ang higit kong namimiss

Kung pwede lang ibalik yung oras sa dati
balikan yung matatamis nating sandali
at pagmasdan ang iyong mga ngiti
pero alam ko na di muli pang mangyayari

Don't worry, huwag ka magalala
magkikita din ulit tayo
kahit tayo'y matanda na
at kahit tayo'y malayo.

TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon