"Judgemental"By Jaliyah Maninang
Wala na talagang taong makakaintindi sakin
puro salita hindi naman alam buong kwento
Bakit parang ang sama sama ko sa kanilang paningin
grabe, iba na talaga yung mundoAyoko na, ayoko nang umiyak ng umiyak
parang awa mo na ang sakit na ng mata ko
bakit ganon pabagsak ng pabagsak
parang gusto ko na talagang sumukoAng dami dami ko ng problema
huwag mo na dagdagan
basang basa na nga ng luha
please, intindihin niyo namanAng sakit sakit na ng ulo ko
nawawalan na ng ganang iharap ang mukhang ito
chismis doon, chismis dito
wala na talagang matinong taoSana talaga bumalik na lahat sa dati
gusto ko na bumalik sa nakaraan
gusto ko na ulit ngumiti
at sawa na akong masaktanSino pa ba?, yung taong kaya akong intindihin
yung taong kaya akong damayan sa kalungkutan
meron pa bang taong kaya akong patawanin?
yung taong kaya akong ipaglabanSana maging maayos na talaga ang lahat
gumaling ang aking mga sugat
mawala na yung sakit na kay bigat bigat
sana ay ihinto na ang mga salitang puno ng kalat.
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryTula (Poem) A collection of Tagalog & English Poems that I have made, actually most of this "Poems" are all about love and heartbreak, but still hope you appreciate reading It.