"Away Bati"
By Jaliyah Maninang
Bakit parang nagbago ka na
hindi ikaw yung taong nakilala ko
Bakit ngayon parang nagiba
may iba na bang nagpapasaya sayo?Dati ang saya natin
yung tipong tawa lang tayo ng tawa
nakakakilig sa damdamin
pero bakit ngayon lahat nawalaBati naman tayo kahapon
nagvideocall pa nga tayo nun
pero bakit biglang nagiba ngayon
mga tawa't saya'y tinaponHindi kumpleto ang araw ko kapag hindi kita nakakausap
Lockdown na lockdown tapos hindi ka pa nagpaparamdam
Namimiss ko na ang iyong mga yakap
ang sakit pala ngayong wala ka ng pakialamIsang konting misunderstanding lang naman
nagbago ka na ng tuluyan
ano ba?, bakit ka nagkakaganyan
parang wala na tayong pinagsamahanAko nalang ba palagi magaadjust?
ako nalang ba palaging magsosorry?
wala na ba talagang lunas?
ako nalang ba palaging mali?Ayoko naa, nakakasawa na
palagi nalang tayo ganito
sabagay may iba ka na rin naman diba?
iba na pala ang iyong mundoAng dami kong nireject para lang sayo
nireject ko yung mga taong mahal ako
tapos yun pala masasaktan lang ako sa dulo
di namalayan na bumubobo na dahil sayoKaya siguro tama lang na magkahiwalayan
para maalis tong sakit na nararamdaman
maalis ka sa aking isipan
kalimutan ang ating pinagmulanHuwag ka magalala
balang araw makakalimutan din kita
pero kung susubukan mong bumalik pa
pasensya, di mo na ulit ako mapapaluha.
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryTula (Poem) A collection of Tagalog & English Poems that I have made, actually most of this "Poems" are all about love and heartbreak, but still hope you appreciate reading It.