"Pasenya"By Jaliyah Maninang
Pasensya ka na aking mahal
kung sa mga araw ngayon ay ganito ang aking asal
pero ang turing ko lang naman sa kanya ay normal
at ikaw lang naman para sakin ang espesyalSana ay patawarin mo na ako
kung sa tinggin mo'y tayo'y malabo
please naman sana wag kang sumuko
kasi ikaw lang naman mahal ko at yun ay siguradoSa tuwing nakikita mo kaming magkasama
kitang kita sa mukha mo na nagseselos ka
huwag ka magalala dahil hindi naman ako paasa
kasi ikaw at ang pamilya ko lang naman ang mahalagaSana huwag mo kami bigyan ng kahulugan
dahil wala naman ako sa kanya na nararamdaman
sa aking mga ngiti ay ikaw lang ang dahilan
sana naman ako ay iyong paniwalaannagseselos rin naman ako pag kausap mo siya
yung tipong yung mga ngiti mo'y galing sakanya
pero wala naman akong karapatan magselos diba?
kasi ako rin naman yung nagsimulaalam mo, namimiss at gustong gusto na kitang kausapin
dahil di na kita nakakausap, ako nalang sayo'y hanggang tingin
grabe, ang sobrang sakit pala tanggapin
yung tipong hindi mo na ako pinapansinSana bumalik na tayo sa dati
kasi namimiss ko na yung mga jokes mong medyo corny
yung mga salitang nagmula sa yong mga labi
pero bat ngayon nawawala ng paunti untiPasensya na talaga, kasi ako ay bobo
alam ko na ikaw narin ay naguguluhan
pero di ko naman din ito ginusto
at ako'y nasasaktan rin namanpero parang nakamove on ka na
kahit ako padin ay hindi pa
pero parang gusto mo narin lumaya
pero teka lang, di pa ako handaGusto ko muna sabihin na mahal kita
at hinding hindi kita makakalimutan
sana talaga may pag asa pa
at makita ulit kita sa tinakdang tagpuan.
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryTula (Poem) A collection of Tagalog & English Poems that I have made, actually most of this "Poems" are all about love and heartbreak, but still hope you appreciate reading It.