Chapter 5

399 10 0
                                    

"I-ICE, I-I'm pregnant." Nakayukong sabi ng babae sa akin.

"You're what?!"

"I'm 2 months pregnant ice. You got me impregnated. Its-"

"What the hell Icey?! I don't want that baby! Graduating na ako, ano na lang ang sasabihin ng mga tao?! Ha?! Ayoko niyan! Hindi pa ako handa maging ama!" sigaw ko sa kanya.

"But Ice.. please let's talk about this.. this.. this is our.. baby.." Umiiyak sa sabi niya. Pinilit niya akong humarap sa kanya pero winawaksi ko lang ang mga hawak niya. "Ice... please.. diba sabi mo mahal mo ako?! di-diba?"

I finally looked at her in the eyes. Nakita ko kung gaano siya kalungkot at nasasaktan. Hindi ko naman talaga gustong gawin to sa kanya pero kapag hindi ko to ginawa..

"Ice.. please naman oh.. ikaw nalang ang meron ako.. please... wag mong gawin sakin to.. diba promise mo kahit anong mangyari.. ta-tayo parin? Ice please..."

"I'm sorry Icey. Pero kelangan ko gawin to. Hindi mo maintindihan pero kailangan kong gawin ito." Tiningnan ko siya sa huling pagkakataon saka nagmadaling pumasok sa kotse.

Pinaharurot ko agad ang kotse palayo. I looked at the rearview mirror and saw her image, sitting on the ground. Gusto kong bumalik para sabihin sa kanyang hindi ko sinasadya ang mga sinabi ko. Na hindi ko gusto ang mga nagyayari... na gusto kong makita at maalagaan sila ng anak ko. gusto ko...

Pero hindi pwede. Hindi ako pwedeng maging selfish. Kapag ginawa ko iyon, mas lalo silang mapapahamak ng anak ko. I have to let them go kahit hindi ko gusto... pero babalikan ko sila.. Babalikan kita Icey..

And that's the last thing I saw, her sitting on the ground. Bago bumangga ang dinadrive ko sa sasakyang papalapit sa akin..

"ICE... Kuya Ice.. gumising ka.. Kuya.. you're having a nightmare.." Naramdaman ko ang malakas na pagyugyug ng balikat ko kaya't nagmulat ako ng mata. And there I saw the face of my sister, Autumn na umiiyak.

Agad niya akong dinamba ng mahigpit na yakap. I looked at the clock on the wall, 5:48 A.M. m
Maya-maya'y pumasok naman sina mommy at daddy na may dalang isang pitsel ng tubig at baso.

"oh my God anak! Mabuti naman at gising ka na! sobrang kinabahan kami." Tumakbo si mom palapit sa kama ko saka ako niyakap. Umiiyak na rin siya. nNakita ko namang parang narelieve si Papa.

"Mo-mom.. ano pong nangyari?" I'm confused.

"We've been trying to wake you up for almost an hour now anak. Pero hindi ka namin magising. Natatakot naman kaming buhusan ka ng tubig dahil baka malunod ka." now I'm really confused.

"You were having a nightmare again kuya..." Autumn said, wipping her tears. "akala ko you'll be gone again kuya. I was so afraid when I heard you shouting kanina."

"Buti nalang at hindi sound proof itong rooms niyo. Kung hindi, baka kung ano nang nangyari sa iyo." Nakalapit narin si dad sa bed. Tinapik niya ako sa shoulder at hinapit si mommy sa beywang. "We can't afford to lose you anak. We can't imagine this house without my panganay. Wala na nga dito si Fall.."

Naiyak ako. Tumayo ako at niyakap sina mommy at papa. Pati si Autumn yumakap narin sa amin. "I'm so happy your my family. I love you mommy, papa."

"Paano naman si Autumn?!" she broke the hug and pouted. Binalingan ko siya saka mahigpit na niyakap.

"Syempre si Autumn ang nag-iisang baby girl namin ni kuya Fall niya." Lalo siyang nagpout sa sinabi ko kaya natawa na kami.

The Cold OnesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon