Chapter 8

372 10 0
                                    

***Icey's POV***

It's already 12 midnight pero di parin bumabalik si Ice at sobrang nag-aalala na ako.

Yes, alam kong lumabas siya kanina pagkapasok ko ng kwarto. Siguro maglalagalag. Siguro nagsawa na siya sa pagiging cold ko kaya umalis.

Sa tingin niya ba totoong hindi ko napapansin ang mga ginagawa niya sa akin?

He's trying to impress me for pete's sake!

Lahat ginagawa niya para lang mapansin ko siya. Kahit ang pinakawalang kwentang bagay tinatanong niya para lang maka-usap ako. Hindi naman ako manhid.

Pero lahat yun binale-wala mo. My conscience nagged.

Alam kong hindi niya ako maiintindihan. But I need to keep my defenses strong. Ayokong tuluyang mahulog sa patibong na ako rin ang gumawa.

Besides, I'm in pain too.

Nasasaktan ako dahil parang wala lang sa kanyang iniwan niya akong buntis noon. He treated me like I'm a total stranger na ngayon lang niya nakita. Ni hindi nga niya tinatanong kung nasaan ang baby na ipinagbuntis ko. Para bang nakalimot na siya.

Kaya hindi ko maiwasang magalit sa kanya.

But what am I doing now? I'm getting dressed at susuungin ang malakas na ulan para lang hanapin siya.

I thought you hate him? Why not let him die wherever he is? My subconscious is telling me.

Pero hindi ko kaya. Siya parin ang ama ng mga anak ko. I want them to meet him. Maybe not now.. but someday..

Masyadong malakas ang kutob kong may masamang nangyari. Na hindi lang siya bastang lumabas ng bahay para makipaglandian. Who would party on a weather like this? Ang lakas kaya ng ulan!

Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin. Inuna kong puntahan ang resto na kinainan namin kanina, hoping he's there. But he's not.

Anong gagawin mo pagnakita mo na siya? Hindi ko alam. Ang importante lang ngayon, mahanap ko siya at makausap.

I don't know why but my feet were taking me to the beachside of the hotel. Nakita ko kung gaano kalakas ang alon. Ramdam ko rin ang lamig. But something caught my attention.

Isang nakahandusay na lalake sa buhanginan at malapit na itong maabot ng mga alon!

Dali-dali akong tumakbo para tingnan ito. At halos takasan ako ng ulirat ng makita ko kung sino.

Agad kong dinaluhan si Ice para tingnan ang kalagayan niya. He's freezing cold at wala siyang malay.

What should I do?! Kung tatawag ako ng tulong, matatagalan pa siyang mabababad sa ulan at baka matangay siya malalakas na hampas ng alon lalo't tumataas na ang tubig.

AAAARGH! I have no choice but to drag him kahit ilang metro lang basta malayo sa dagat.

Nang makalayo na kami sa dalampasigan ay iniwan ko siya saglit para humanap ng tulong. Good thing hindi paman ako nakakalayo meron akong nakitang staff ng hotel na papunta sa pwesto ko. I immediately called his attention and asked him to carry Ice to our cottage.

Mabilis namang gumalaw ang lalake and before I knew it, naihiga na niya si Ice sa kama ko. I gave him money which he denied accepting at first pero I insisted. Agad naman itong umalis pagkatapos masigurong wala na akong kelangan. I should thank him. Kung hindi dahil sa kanya baka pareho na kaming naninigas ni Ice sa lamig. Baka totoong naulila ang mga anak namin.

"What am I gonna do with you my Prince?" I whispered staring at him. Suddenly he was shivering. Niyayakap na niya ang sarili niya dahil sa lamig.

The Cold OnesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon