Chapter 13

399 9 0
                                        

***Moon's POV***

Haaaaay buhay nga naman. Ang gulo! Pero mas magulo ang Team Yelo.

Ang dami kasing arte sa katawan! Buti sana kung sila lang dalawa eh paano naman ang baby kambal namin?!

Minsan gusto kong pagtitiklop-tiklupin itong si Ice at Icey saka ilagay sa bulsa ko. Iyong tipong hindi ko na ulit ilalabas pa dun.

"Hey, what are you thinking?" Si Spring pala. Kaninang hapon kami dumating dito sa Subic. 10 PM na at tulog na ang lahat maliban sa akin at sa bampirang ito. "Di ka rin ba makatulog?"

I nodded. Nandito kami sa tabing dagat at mukhang pareho ng iniisip. Kita kong bothered din siya gaya ko. "Naaawa ako kay Icey." Pag-amin ko.

She sighed. "Ako rin." Sino ba namang hindi?

"Ano ba kasing nangyari between them at nahantong na naman sa ganito?!" Spring muttered. "This is the second time Buwan. At hindi na ito nakakatuwa. Masyado nang bugbog si Icey. Emotionally and mentally."

I sighed. "Hindi ko alam Spring. She's not telling. It could be worse this time."

Siguro nagtataka kayo kung bakit ganyan si Icey ka cold. Siguro iniisip ninyong hindi dapat kaawaan ang isang malditang gaya ni Icey. Hindi naman siya ganyan dati eh.

There's an explaination why. Others may think its absurd but for us, that normal.

She grew up as a battered child at the care of her Chinese Prime Minister dad, evil stepmom at strict stepsister who happens to be Summer.

Her dad is loving. Pero sobrang busy sa work. Kaya madalas ay naiiwan siya kasama ang stepmom niya. Lingid sa kaalaman ng dad niya, her stepmom beats her to death sa walang kakuwenta-kuwentang mga rason.

At dahil bata pa si Summer that time, wala siyang magawa kundi panoorin ang paghihirap ni Ice at gamutin ang sugat nito ng patago.

When she was 15 ay niligaw siya ng mommy ni Summer dito sa Pilipinas. Pinalabas na naglayas ito. But Summer, who loved Icey so much, traced her and helped her without the knowledge of her own mom.

Matagal bago nahanap ni Summer si Icey. Nasubukan muna nitong magpalaboy-laboy ng halos isang buwan sa Maynila na hindi man lang umabot sa limang daan ang perang nasa bulsa. Ilang araw siyang hindi kumakain ng maayos at sa bangketa lang natutulog.

Hanggang sa makita namin siya ni Spring. Just like in movies, bigla siyang tumawid at nahimatay sa gutom sa harap ng kotse ko. At dahil akala namin nasagasaan namin siya, we bought her to the hospital and took care of her.

Hearing her story and knowing she's not lying, kinupkop namin siya at itinago sa kanyag stepmom. Buti nalang masipag si Icey, magaling magbake at matalino. Her talent in cooking and sharp mind brought success to her. Ipinasok din siya ni mommy sa SCA to better hid her and gave her proper education.

Hanggang sa mahanap siya ni Summer at tinulungan. Inayos nito ang kanyang mga papers and sends her money para makapagpatuloy sa pag-aral. She transfered to SCU with us and took up her Masters in business. Using her own money and the money from Summer, naipundar niya ang coffee shop after a year. She was 17 by then.

At dahil graduate na ng masters, gustoniyang mag-aral ulitng Engineering. Sinuportahan naman namin siya sa gusto niya. She's still young, her dreams should never be abrupted.

Hanggang sa nakilala niya si Ice na hindi naman namin nakita o nakilala dahil nasa ibang department kami. Kung bakit ba naman kasi kumuha pa siya ng Engineering kahit na may masters na siya. Ayan tuloy mgkrus pa ang landas nilang dalawa. Pero naging masaya naman siya hanggang sa yun nga, mabuntis at takbuhan ng lalake.

The Cold OnesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon