SHANLEI
Isang linggo na kami sa bahay ni Tyler.
Hindi na rin kami nagka usap, simula nung nangyaring scenario sa silid niya. Minsan ko rin siyang makita dahil sa tuwing umuuwi siya at tulog na rin kami ng mga bata at maaga rin siyang aalis ng bahay.
Sa iisang kwarto parin kami natutulog maliban sa kambal dahil may sarisarili na silang mga silid.
Sa kama parin niya ako natutulog pero hindi ko naramdamang tumatabi sa akin sa pagtulog si Tyler dahil sa sofa siya natutulog.
Nakakakonsensya nga ako minsan sa paggising ko sa tuwing madaling araw dahil pilit niyang ipinagpakasya ang katawan niya sa sofa.
May sofa din kasi sa silid niya sa right side.
May ibang kwarto naman na bakante pero hindi maopen ang iyon dahil nakalock ang mga ito.
Gusto kong matulog sa kwarto ni Princess pero ayaw niya akong matulog sa kanya. Ganon din kung kay Prince. Kailangan daw kasing magtabi kami ni Tyler dahil mag asawa daw kami. Asawa agad, eh hindi pa nga kami kasal. Magaling talaga itong mga anak ko eh.
Dito ako ngayon sa coffee shop ko. Nawala nalang bigla na parang bula si Mia. Hindi na siya muling nagpakita sa amin ng mga anak ko. I tried to called her but her number is out of coverage.
Tinanong ko din sina Cherry, Kyla at Red at ang ibang kasama namin dito sa coffee shop.
Hindi rin daw nagpaalam sa kanila si Mia. Medyo close din naman si Mia sa mga ito.
Mia is friendly pero may pagkamaldita din ito.
It depends on how you treat her.
Dito ako tumatambay dahil naboboring ako bahay ni Tyler.
Nasa school ang kambal at mga katulong lang ang nasa bahay niya.
Paggising ko kaninang umaga nakaalis na si Tyler.
He's always busy.
"Ma'am Shanlei, may naghahanap po sa sainyo. Gusto niya daw po kayong makausap." Wika ni Jessica.
Siya ang bagong manager ng coffee shop. Bagong hired ko palang sa kanya. Mukhang makapagtiwalaan naman.
Kailangan daw niya ang trabahong ito dahil nagdadalang tao siya. She's two months pregnant kaya hindi na ako nagdalawang isip na tanggapin siya. Kailangan ko din naman ng permamenteng mamahala dito.
Dito ko na rin pinapatuloy dahil wala siyang kakilala dito. May bakanteng silid naman dito at kompleto rin ang mga kagamitan. Hindi ko siya pinapabayad ng upa dahil kahit yun lang ang tanging maitulong ko sa kanya.
She's beautiful at pangmodel ang hubog ng katawan, kaya hindi ko aakalaing dito siya mag aaplay ng trabaho sa coffee shop ko.
"Just drop the ma'am and po Jess. Shan nalang. By the way nasaan siya?"
"Doon sa pinakadulong table. Eh mukhang galit na galit siya sayo."
"Sige. Kakausapin ko lang siya."
Wika ko at hinanap ko kaagad ang tinukoy ni Jessica.
Lumapit ako sa kinaroroonan niya. Hindi ko makita ang mukha niya dahil busy ito sa pakukulikot ng kanyang cellphone.
"Excuse me, gusto niyo raw po ako makausap."
Napaangat siya ng tingin sa akin at biglang nanlinsik ang mga mata niya sa galit.
Si palaka, este Andria pala.
Bakit siya nagagalit sa akin.
Ipinasok niya ang kanyang cellphone sa kanyang bag sa tabi niya at tumayo ito.
BINABASA MO ANG
MR. STRANGER (COMPLETED)
RomanceRated Spg!! Mature content so be aware of some scenes or words that will be offend you. Once upon a stupid time, she got drunk and she had a sex with stranger guy. The stranger took her virginity but she never regret it. @THURNIE
