Chapter 21

10.1K 279 7
                                    

        HAPPY READING..


TYLER

MAINGAY ang buong bahay dahil nandito naman ang mga kumag Kong kaibigan. Halos lahat silang nandito maliban nalang kay  Connor na bising bisi sa panunuyo sa isang babae. Tsk!   Mukhang nahanap na niya ang magpapatino sa kanya.

Naroon naman sa sala ang aking asawa kasama ang mga bata at pamankin na anak ni Cloud.

"Dude, napano yang nguso mo at namamaga." Tanong ko Kay  Hellios nang napansin ko ang nguso nito. Alam ko ang trabaho niya ni minsan Hindi ko siya nakitang  nabugbog dahil magaling ito sa pakikipaglaban. He's good fighter and no one can mess with him. 

Bigla namang humagalpak ng tawa si Xander  at binigyan naman ito ng matalim tingin ni Hellios. Para bang sinasabi nito na itikom ang kanyang bibig.

Tumingin ako sa iba at lahat sila ay pinipigilan tumawa. Alam Kong walang balak na sagutin ni Hellios ang tanong ko kaya napaisip ako bigla ng paraan para lamang malaman ko ang totoo. I'm just being curious.

"Santillan, I transfer later to your  bank account the five hundred thousands." Nakangiti Kong sabi Kay Xander  na ikinalapad ng kanyang ngiti.

"I thought you already know me De Zeru. Hindi ako nagbibigay ng impormasyon agad agad. Payment first." Nakangisi nitong sagot sa akin.

Sunod sunod namang napamura ang lahat ng kaibigan ko.

"Fuck you Santillan. Wala ka talagang pinapalampas pagdating sa pera. And don't you dare to talk!" Mariin na sambit ni Hellios.

"You don't need to pay him bro. Namamaga yang nguso niya dahil nasuntok lang naman siya ng isang babae kagabi sa bar. Babae lang pala ang katapat." Natatawang sabi ni Gray.

"Yeah, Gray is right. Kung nandoon kalang sigurado akong sasakit ang tiyan mo sa kakatawa." Segunda pa ni Light.

"She's so cool and gorgeous. Pero mukhang amasona lang." Segunda naman ni Hellion.

"Taena. Panira kayo ng diskarte.!"  Padabog na wika ni Xander .

"Anong akala mo sa akin Santillan, hahayaan kang makapagkotong naman, eh hindi ka nga nagbigay ng regalo sa kanila  noong kasala nila." Hellion said.

"Bakit pa ako magbibigay, kanyang kaya namang niyang bumili ng regalo para sa sarili and beside, niregalohan ko rin naman ang mga inaaank ko." Depensang wika naman ni Xander .

"Fuck!"  Malutong na mura ni Hellios nang may narinig kaming sigaw ng babae papunta sa amin at ka sunod nito ang aking asawa.

Nakatuon lamang mata ng babae Kay Hellios at nataranta namang napatayo ang gago.

Napatawa ako sa itsura niya. Parang naiihi na ewan.

"Hoy punyemas kang  rapist!! How dare you to not  follow my instruction. Akala ko ba  nagkaindihan na  tayo kagabi?! Ang sabi ko, you need to work in my ice cream parlor for three months at ngayon araw ang first day mo pero hindi ka sumipot! Kapag Hindi ka talaga sumunod sa akin!! Puputulin ko yang anaconda mo!!" Malakas na bulyaw ng babae at sinipa ng malakas ang  paa Hellios at napamura naman ito.

"Fuck!!" Hellios cursed.

"Minumura mo ako??!!" Tanong ng babae Kay Hellios at sinuntok naman nito ang tiyan niya.  "Una sa lahat, bawal na bawal kang magmura sa harapan at ako lang puwede. Understood.!" Maawtoridad pa nitong sabi.

"Yes boss." Napipilitang sagot Hellios.

Mukhang ito na ang tinutukoy nilang babae na nanuntok din Kay Hellios sa kanyang panga. Amasona nga.

 MR. STRANGER  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon