Chapter 26

7.3K 266 2
                                    

SHANLEI POV.;

2 years later

It's been a long time since Tyler died and today his second death anniversary.   Nauna nang umuwi ang mga kaibigan niya na kasama naming dumalaw sa kanyang puntod at nagpaiwan naman kami ng anak kong lalaki.

Bakit ba hanggang ngayon, nasasaktan parin ako. Sobrang minahal ko siya kaya kahit lumipas man ang maraming taon ay mananatili ang pagmamahal ko sa kanya at mananatili rin ang sakit sa aking puso.

"Mommy, do you really believed
that daddy is already gone?"  Biglang tanong ni Prince sa aking tabi.

"Bakit mo naman natanong ang ganyang bagay, sa tingin mo ba mabubuhay ang daddy mo sa pagsabog ng kotse niya at saka ang DNA test ang siyang nagpatunay na ang katawan ng
daddy niyo ang nasunog sa loob ng kotse." Paliwanag ko dito.

"But what if, he's still alive? Anong gagawin mo?"  Prince said that's makes me silent in a second.

"Mom, are you okay?" He asked me again.

"Yeah, yeah I'm fine. Iniisip ko lang ang sagot ko sa tanong mo kanina. Paano nga ba kung buhay siya, syempre magiging mas masaya ako pero mukhang malabong mangyari ang bagay na iyon dahil wala naman tayo sa  isang pelikula na puwedeng baliktarin ang nangyari. Nasa totong buhay tayo nak eh." Saad ko at lumapit ako sa kanya at hinagkan.

"Don't worry mom, I will promise you that I will be a good son and I will do my best to protect our family like what daddy did. I'm so proud of dad mom, he did everything just to protect us kahit malalayo siya sa atin mas  pinili niyang hindi niya  tayo   makasama basta't masigurado niyang ligtas tayo." Tugon ng anak ko at napangiti ako ng tipid.

"I think we need to go home now, baka kanina pa naiinip ang mga kapatid mo sa kahihintay sa atin at saka hapon narin."  Sambit at tumayo na ako mula sq pagkaupo sa malinis na baremoda. Tumayo rin si Prince at pinagpag ang kanyang pang upo.

"Uuwi na mona kami Ty, hinihintay na kami  ng dalawa nating prinsesa sa mansyon at sigurado akong naiinip na sila. Pasensya kana dahil hindi ko napilit si Princess na sumama dito at si Sydney naman ay medyo masama ang pakiramdam pero wag kang mag alala sa susunod na pagdalaw namin sayo ay kasama ko sa sila."  Wika ko habang pinapagpag ang aking pang upo.

"Oh, Prince magpaalam ka na sa daddy mo. Matatagalan na naman bago tayo makadalaw sa kanya."   Sabi ko sa akin anak at nasa malayo ang mga tingin niya.

"No need mom, palagi naman niya akong dinadalaw." Mabilis nitong sagot.

"Huh?" 

"I mean, palagi naman niya akong dinadalaw sa panaginip kaya hindi  na ako magpapaalam sa kanya. Let's go." Wika niya nauna ng maglakad papunta sa sasakyan namin kung saan hinihintay kami ni manong Ben, our family driver.

"Okay." Sagot ko at sumunod nasa kanya.


Habang pauwi na kami ay napansin ko naman ang isang kotse na sumusunod sa amin.

Pamilyar sa akin ang kotse dahil maraming beses ko na itong nakikita at palagi kong  napapansin  na ito'y laging sumusunod sa amin. Minsan kinakabahan ako pero pinapalampas ko na lamang iyon dahil baka nagkataon lang na magkasunudan lang kami.

"Mom, inaantok po ako." Mahinang sambit ng anak ko at humikab. Napatawa ako dahil mukhang ngang inaantok na.

"Halika, sumandig ka sa akin. Gigisingin na lamang kita mamaya."  Sumunod naman ito sa sinabi ko at lumapit sa akin at pinikit ang kanyang mga mata.
Dahan dahan kong hinahaplos ang kanyang ulo upang nakatulog ito kaagad.

Nang malapit na kami sa mansyon ay bigla nalang mawala ang kotse ng nakabuntot sa amin kanina. Aking napagtanto na maaring isa ito sa mga inatasan ni Xander  upang sundan kami at masigurado ang aming kaligtasan.

 MR. STRANGER  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon