Grabe, hanggang ngayon hindi pa ako maka get over na nagtext sa akin si Darren at niyaya ako sa park!
10 am diba?
I’m so excited na!
Napatingin ako sa orasan na nasa side table ko,
nanlaki ang mga mata ko ng wala sa oras,
paano ba naman,
9:00am na pala!
Napatakbo ako sa banyo para maligo.
After 20 minutes, lumabas na ako ng banyo na naka robe lang at namimili ng susuotin.
Hmm…
what to wear?
Ah! Kinuha ko na lang ang white na sleeveless blouse, dark blue na bolero at white shorts. Kinuha ko na lang din ang white doll shoes ko at nag ayos na. Maya-maya lang.
I’m on my way to the park na, buti na lang nasa bahay yung driver namin na si Manong Carlos.
At last! 9:50a.m. nasa park na ako.
“Manong Carlos, thank you po sa paghatid ah, at huwag niyo na rin po akong sunduin.” Sabi ko sa kanya pagkababa kong kotse.
“Sige po mam Cheska, ingat po kayo” sagot niya sa akin.
Nag-smile na lang ako at naglakad na papalayo sa kotse. Sa di kalayuan, nakita ko na siya, naka black polo shirt siya at jeans. Naks naman, kahit nakatalikod alam kong siya yun. Naglakad na ako papalapit sa kanya hanggang nasa may likuran na ako ng bench na inuupuan niya.
“Hey” bati ko
Humarap siya sa akin at nag-smile. Grabe! Smile pa lang, ulam na! joke lang!
“Hi, buti naman nakapunta ka” sabi niya sa akin.
“Ah, wala rin naman akong gagawin eh. Nga pala, paano mo nakuha number ko?” Curious ako eh
“Let’s just say that I have my sources” sagot naman niya, sosyal, may pa sources-sources pa siyang nalalaman.
“Sources talaga ah, eh diba may date kayo ni Trish ngayon? Bakit sa akin ka nakipag-kita?” parang interview lang eh noh?
BINABASA MO ANG
You Belong With Me
Historia CortaPaano kung yung kaisa- isang lalaking mahal mo... Iba ang gusto? At kapag sinuswerte ka nga naman, Bestfriend mo pa ang nililigawan niya... Anong gagawin mo? Ipaglalaban mo siya kahit magkasiraan kayo ng kaibigan mo... O Magpaparaya ka na lang? Pipi...