Chapie 6: Bittersweet

75 1 2
                                    

Dedicated kay ate HaveYouSeenThisGirl dahil ang gaganda ng mga stories niya kahit na minsan eh, sad ang ending. Wala na akong masabi, basta ang alam ko, magaling siyang author. Kaya naman two thumbs up para sa kanya, kung pwedi pati na rin ang paa. (^.^)

Tyrone’s POV

Kakauwi ko lang galing Canada kahapon at naglalakad-lakad ako dito sa may playground nang makita ko ang isang babaeng nakaupo sa swing na umiiyak. Isa pa naman iyon sa pinakaayaw ko, para sa akin kasi, ang babae, hindi sinasaktan o pinapaiyak, inaalagaan siya at minamahal.

Alam ko  madrama ako and

 It’s so gay…

 pero walang aangal, ganyan lang talaga ako, kung hindi niyo ako gusto,

sige, layas!

Joke lang po!^^

Balik tayo doon sa babae, dahil nga ayoko ang nakikita ko, nilapitan ko siya at inabutan ng panyo.

“Miss, eto panyo oh” sabi ko sa kanya

Ang gentleman ko noh, natural na iyan sa akin eh…

(Author: Whoo! Grabe, lumilipad yung mga bagay dito sa kwarto, sobrang MAHANGIN eh…)

Aba, author, nagpaparinig ka ba?!

(Author: Bato-bato sa langit, matamaan ‘wag magalit… pasensya na po, may pagkaepal si author, walang magawa sa bahay eh)

Ah ganun, eh kung ikaw kaya batuhin ko ng bato, author?

(Subukan mo, ipapatumba kita sa mga bata ko, ano kakasa ka? May angal ka pa?!! Magsalita ka!!)

Joke lang, si ms. Author talaga oh, di na mabiro, masyadong mainit ang ulo… peace na tayo! (^. ^)v

(Sige na nga, pasalamat ka gwapo ka, oh siya, balik na tayo sa kwento, o baka naman gusto mo tayong dalawa nalang mag-usap?!)

Balik na lang tayo sa kwento, so ayun nga, inabutan ko siya ng panyo.

“S-salamat” sabi niya pagkakuha ng panyong inabot ko, pero patuloy pa rin siya sa pag-iyak.

“Sige, iiyak mo lang ‘yan” sabi ko sa kanya

Pagkasabi ko nun, napatingin siya sa akin. Tignan mo ‘to, kung kailan sinabihang ipagpatuloy ang ginagawa, dun tumigil. Haay buhay…

“Hulaan ko, broken-hearted ka nuh” pahabol ko pa

“Sige, ipagdiinan mo pa” pagalit niyang sambit

“Ito naman, gusto lang namang makatulong, ikaw pa galit. Tapos kung kalian sinabihang ituloy ang pag-iyak, huminto naman” pagtatanggol ko sa sarili, aba, hindi ako papatalo nuh.

Hindi na siya sumagot at tumingin sa malayo. Mukhang bad trip talaga, nag-break siguro sila ng boyfriend niya.

“Diyan ka lang ah, hintayin mo ako, wag kang aalis” sabi ko sa babaeng hindi ko pa rin alam ang pangalan at tumakbo sa malapit na convenience store.

Hinanap ko ang dapat kong bilhin at nang matagpuan ko ito, agad ko itong binayaran sa counter. Bumalik ako sa lugar kung saan ko siya iniwan kanina. Buti naman at hindi siya umalis.

“Heto oh, para gumaan yung pakiramdam mo” sabi ko sabay abot nung binili ko

“P-para saan ‘to? Ano ako bata?” sagot niya, pero kinuha naman niya. -.-“

Kakaiiba talaga ang babaeng ito…

Umupo ako sa tabi niya, I mean sa swing sa tabi niya, at nagsimulang mag-explain.

“Hindi lang iyan basta bastang chocolate, dark chocolate iyan. Bittersweet ang lasa, hindi nakakaumay” panimula ko.

“So?” mataray niyang sabi

Kung hindi lang ito babae, tinamaan na sa akin ‘to eh.

Bakit?

Paano ba naman, may pa “so-so” pang nalalaman, eh sinisimulan nang lantakan ang tsokolate.

“Parang love lang iyan, may mga panahon na makakaexperience ka nang sweet moments pero meron ding bitter moments. Wala naman kasing perfect sa mundo eh, hindi naman pweding lagi na lang happy ever after, kailangan din ng mga sad endings” pagpapatuloy ko. Napatingin ako sa kanya at napansin kong tumigil na siya sa pagkain at nakatingin din sa akin.

“Hindi mo ako naiintindihan” mahina niyang sabi at nagsimula nanamang mamuo ang luha sa kanyang mga mata.

“Handa akong making, alam kong hindi nating lubusang kilala ang isa’t isa pero mapapangako ko na sa ating dalawa lang ang anumang sasabihin mo” alok ko sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon sa kanya, basta lumabas na lang sa bibig ko. Inialis niya ang tingin sa akin at tumingin sa malayo sabay ngiti nang mapait.

“Ang sakit kasi eh, yung taong mahal ko, may mahal na iba at sa dinami dami ng babae sa mundo, sa isang bestfriend ko pa. Tapos kanina, nag-text siya sa akin, niyaya akong lumabas, akala ko pa naman, may gusto na siya sa akin kaya gusto niyang makipag-date sa akin, yun pala, papatulong lang siya sa bestfriend ko. Wala na akong nagawa kung hindi um-oo”

Tuluyan nang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata.

Kaya pala, ang sakit pala talga nang nararamdaman niya.

G*go lang yung lalaki, hindi niya alam ang pinakawalan niya.

Dahil na rin siguro ayokong nakikita siyang umiiyak,

niyakap ko siya…

“Iiyak mo na lahat, nanadito lang ako para maging sandalan mo” iyan na lang ang nasabi ko sa kanya habang nakayap.

Hindi naman niya ako pinagtulakan at patuloy na umiyak…

Pero ang sunod niyang ginawa ang nakapagpabigla sa akin,

niyakap niya rin ako…

‘Yan ah, medyo mahaba-haba, pambawi sa matagal na update. Bombarded ba naman ng sandamukal na projects at periodical exams, well, ganito talaga ang buhay estudyante. Pero worth it naman kahip papaano dahil pagkatapos ng pasakit, field trip! Kaya naman, hindi ako nakakapag-update, buti na lang nainnspire ako, kaya ayan, panibagong update. Malapit nanaman yung sembreak eh, kaya mapapadalas UD.

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon