Chapie 8: A Day With Him

22 0 0
                                    

Francesca’s POV

“So ano, san ba tayo kakain? Kailangan ba nating magtaxi or may dala kang kotse?” tanong ko sa kanya.

“Sino namang nagsabi na kakailanganin natin ng taxi o ng kotse? Another thing, nasa bahay yung kotse ko, naglalakad lang ako kanina para magpahangin nung nakita kita.” sagot naman niya. Sungit naman nito, parang nagtatanong lang eh, pero teka…

“Paano tayo makakarating sa pupuntahan natin kung hindi tayo magsasasakyan?”

“Ano pa kayang silbi ng paa kung hindi natin gagamitin diba? Malapit lang naman eh” sarkastiko niyang sambit.

May napapansin ako sa taong to, “Nagtatanong lang naman ako ah, kung hindi ka nagsusungit, nambabara ka naman. Di ka naman ganyan kanina ah, napaka bipolar mo!” tumigil ako sa paglalakad at tiningnan siya. Tumigil din naman siya nung napansin niyang huminto ako sa paglalakad.

“E kasi po, gutom na po ako, hindi pa po ako nag-aalmusal at sadyang ganito po ako pag gutom. Sorry na po.” seryoso ang pagkakasabi niya niyan ah.

“Hindi ka pala dapat ginugutom, nagtratransform ka kapag di ka nakakakain eh. Tara na nga, gaano pa ba kalayo?”  sabi ko sakanya at nagsimula na kami ulit maglakad.

“Mmm… mga 5 kilometers nalang naman” nag-isip muna siya sa lagay nayan ah bago sumagot.

“5 kilometers? Ano to fun run?! Ikaw na lang, ayaw ko na, uuwi na lang ako.”  sabi ko tapos tumalikod na ako. Ano siya sinuswerte? Ang layo kaya tsaka napagod na ako sa pag-iyak ko kanina kaya kailangan ko munang magre-charge.

“Hey, I’m just kidding!” sabay hatak sa kamay ko. “diyan lang sa may kanto.”

Aba’t pinagloloko ako ng mokong na to ah.

“Heh! Ewan ko sayo, pinagloloko mo lang ako”

“Sorry na po, please”  sabi niya sabay puppy dog eyes at pout.

“Wag ka ngang gumanyan, lalo  kang pumapangit” sabi ko sakanya at nagsimula nanaman kaming maglakad.

“FYI naman po Ms. Francesca, kahit anong gawin ko, gwapo pa rin ako.”pagmamayabang niya sa akin na nagpataas ng kilay ko. Yabang much lang?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You Belong With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon