Kabanata VII - Padre Balmas

969 12 2
                                    

Kinilabutan ang magkakaibigan sa mga rebelasyon ng pari.

Kaninang hapon lamang ay naalala nilang naligo sila sa dagat. Hiniling nilang ibang dagat ang tinutukoy ng pari ngunit tila imposibleng mangyari iyon. Nanlamig sina Angelang tuwang-tuwa sa paliligo kanina, lingid sa kanilang kaalaman na sila pala’y lumalangoy sa isang libingan.

“Huli na bago napagpasyahan na hanapin ang may kagagawan ng mga pagpatay. Isang araw habang naghahanda kami ng aking mga sakristan para sa huling misa ay nagkaroon ng pagtitipon.”

“Pagtitipon?” naguguluhang tanong ni Camille sa padre.

                                                                               …

Taong 1997.

Biyernes. Hapon.

Nagsisimula nang dumilim habang sina Fr. Balmas ay naghahanda para sa huling misa sa araw na iyon. “Father, kulang po sa insenso,” sabi ng sakristan habang binuksan ang pausok.

Nang makitang sapat na ang usok ay tinawag ni Fr. Balmas ang isa pang sakristan na abala sa pag-aayos ng altar, “Dennis, pakikuha nga ang salamin ko. Nakalimutan ko yata sa opisina.”

Tumango ang bata sa kanya na masunuring umalis at kaagad na bumalik dala ang hinihingi ng padre, “Salamat,” sabi ng padre kay Dennis nang kunin niya ang salamin sa kamay ng bata. Pinunasan niya ito bago isinuot nang may biglang narinig silang kaguluhan sa labas. Lumapit ang pari kasama ang kanyang mga sakristan sa pinto upang malaman ang sanhi ng ingay sa labas. Sa sobrang dami ng tao ay hindi nila makita ang nangyayari sa plaza. Habulan dito, sakitan doon. Dali-dali nilang isinara ang mga pintuan ng simbahan nang makita niyang dumanak ang dugo. Ayaw niyang madungisan ang tahanan ng Diyos subalit may ilang mga taong nagpumilit na pumasok bago tuluyang maisara ni Fr. Balmas ang simbahan, bagay na pinagsisihan niya bandang huli.

Father tulungan niyo po kami! Papatayin po nila kami!”

“Nino? At bakit? Anong nangyayari sa labas?” gulunggulo si Fr. Balmas habang kasama niyang umakyat ang mga tao sa kampanilya upang makita ng buo ang nangyayari sa labas. Sa hadgan palamang ay dinig na nila ang iyak at sigaw ng mga taong mukhang nahihirapan.

“Ang mga dayo po! Sila po ang pumapatay at nagtatapon ng mga bangkay sa dagat!” takot na pagsasaad ng isang lalaki habang sila’y patungong silid ng dambana, “Natunton po sila ng mga tanod kagabi sa gubat na nagsasakripisyo ng mga tao sa demonyo!”

Hindi nabahala ang pari sa narinig. Sa halip ay patuloy itong umakyat habang ang mga tao at kanyang mga sakristan ay nakabuntot sa kanya. Sapat ang kanyang karanasan upang hindi masindak kapag nakakarinig ng mga bagay na ganun. Bago bumalik galing Maynila ay kilala siyang bihasa sa eksorsismo at sa lahat ng may kinalaman sa ispirtwal na aspeto.

Walang mapiling salita ang pari upang mailarawan ang nadatnan. Nang marating nila ang tuktok ay doon nakita ni Fr. Balmas ang madugong pagpatay sa kanyang mga kababayan. Sapat pa ang liwanag upang makita niya ang plazang dati’y kakikitaan ng sigla lalo na tuwing pista na ngayo’y ginawang lugar ng eksekusyon. Pinagmasdang mabuti ng pari kung sinu-sino ang mga tao sa ibaba. Ilan sa mga pamilyang nasa harap na wari’y nag-uutos na patayin ang mga tao ay ang mga Aragon, Orela, Santissimo, at iba pa. Ang ilan ay madalas pa niyang makausap sa daan o di naman kaya’y hayagang nagpapaalam sa kanyang magkukumpisal tuwing Sabado.

Walang pakialam ang mga ito sa dami ng kanilang papatayin.

Hindi nagdadalawang isip ang mga ito sa pagkitil.

Ang labis na ikinagulat ni Fr. Balmas ay ang makita niya ang dalawang lalaking pilit na lumalaban kahit na puno na tadtad ng sugat. Namutla siya nang makita ang duguang ama at kuyang pumapalag sa mga nananakit sa kanila. Sa kabila ng tapang, di nagtagal ay nasupil din sila ng mga ito. Di mahulugan ng karayom ang plaza sa dami ng tao subalit kitang kita ng padre kung paanong pinagpirapiraso ang mga kalalakihan damay ang kanyang pamilya. Nanginginig ang kanyang mga labi habang tanging pagdadasal lamang ang kanyang nagawa na siyang wala ring naitulong upang mailigtas sila.

Tuloy Kayo (Ikalawang Libro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon