Nung unang beses kitang makita
Tumatak sa isip ang iyong mukha
Nasilayan ko ang iyong angking ganda
Tila alam ko na, mamahalin kitaAt ngayon kahit alam ko na,
Na ika'y hindi perpekto
Mamahalin parin kita
Sa kabila ng lahat ng kakulangan moKahit alam ko na,
Na sa paligid ko'y may mas aangat sayo
Pipiliin ko paring piliin ka
Dahil ikaw lang kuntento na akoAng pagibig ko sayo'y walang basehan
Hindi sa pisikal na kaanyuan
Hindi rin sa katalinuhan o rami ng kaalaman
O maging sa pag-ibig na kaya mong pantayanDahil ang pag-ibig ay hindi kompetisyon
Hindi mo kailangang agawin ang aking atensyon
Inibig kita sa kung ano ka
Kaya wala ka ng kailangang patunayan paPero kahit alam ko na
Na ang pagibig ko'y posibleng mabaliwala
At ako'y maaaring maisawalang bahala
Minahal parin kitaKahit alam ko na
Na darating ang panahon na ika'y magsasawa
Ako'y mawawala at mabubura sa iyong alaala
At ikaw na siyang maglalaho na parang bulaKahit alam ko na
Ang mga maaaring kahinatnan nito
Pinili parin kita
At nangako na mananatili sa tabi moBuong puso kong inalay
Itong pag-ibig na wagas at tunay
Minahal kita ng higit pa
Kaya hinayaan kitang maging masayaAt naging masaya ka
Pero sa piling na ng iba
Sinunod mo ang lahat ng iyong nais
At nakita ko na sumaya ka nang labisMasaya ako para sayo
Pero sana'y makita mo
Na mas masaya kapag kasama ako
Mas makahulugan ang buhay sa piling koKaya kahit alam ko na
Na posibleng maulit ang sakit na iyong ipinadama
Minamahal parin kita
At ito'y aking patutunayan paSinalo ang lahat ng sakit
Sayo'y walang itinanim na galit
Sa kabila ng pinaramdam mong pait at hapdi
Tinignan parin kita ng may ngiti sa labiSa kabila ng lahat ng kamalian mo
Kapakanan mo parin ang iniisip ko
Nasaktan mo man ako
Pero patuloy paring iibig sayoKaya kahit alam ko na
Na ang lahat ng aking ginawa
Ay posibleng hindi mo makita
At hindi mabigyang halagaKahit alam ko na,
Na masaya ka na sa piling ng iba
Patuloy paring mamahalin ka
Aasa parin at maghihintay na babalik ka pa
BINABASA MO ANG
Sa Piling Niya
PoetryAno nga ba ang pakiramdam ng makasama siya? Totoo ba ang sinasabi nila na siya'y may dalang kakaibang saya? Yung tipong sa piling niya wala ka ng hahanapin pang iba. At mapapasabi ka nalang na iba ang feeling sa piling niya.