Tingin Ko, Tingin Mo

40 2 0
                                    

Sa kadiliman ako'y nasadlak
Kasalanan ang siyang sa akin ay nagwasak
Wala ng pagasa, yan ang sa isipan ko'y tumatak
Dahil sa kailaliman ng kadiliman ako'y patuloy na hinahatak

Ako'y wasak na wasak na
Imposibleng sarili'y mabubuo pa
Sinakop na ng kasinungalingan ang aking isipan
Nabura na maging ang aking mga dahilan para patuloy pang lumaban

Tingin ko sa sarili'y bumaba na
Hindi ko na ramdam na ako'y katanggap tanggap pa
Tingin ko sa sarili ko'y isang makasalanan
Isang mahina at isang talunan

Dahil sa paulit ulit kong pagbalik sa kasalanan
Sa patuloy na pagpapaakit sa kasamaan
Ito ako ngayon, ligaw sa kawalan
Hinang hina at wala ng makapitan

Tingin ko sa sitwasyon ko'y wala ng mababago
Di ko na alam kung saan pa ang buhay ko'y tutungo
Naubusan na ng pag-asa ang aking puso
Akin nang natanggap na ako'y talo

Pero sa kabila ng tingin kong ito
Iba parin ang naging tingin mo
Tinignan ko ang sarili ko sa paraang negatibo
Pero nanatili ang tiwala mo at tinignan ako sa paraang positibo

Sa kabila ng kadiliman sa paligid ko
Naaninag at nakita mo ako
Tinignan mo ako ng may halong saya at pagkasabik
Ramdam kong hinihintay mo ang aking pagbalik

Tinignan mo ako bilang isang mong kayamanan
Mahalaga at hindi nino man mapapantayan
Tinignan mo ako ng may pagmamahal
Kadiliman sa paligid ko'y tinanggal

Ang tingin ko'y kabaliltaran sa tingin mo
Dahil ikaw mismo handang tubisin ang tulad ko
Wala na akong kwenta
Pero para sayo, ako'y may pagasa pa

Tingin mo'y sadyang kakaiba
Pagmamahal mo'y kailan ma'y di nagiba
Pagtingin ko man sayo'y maglaho
Pero mata at tingin mo'y sa akin patuloy na dadako

Sa Piling Niya Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon