Pagod na ako ng kakaiyak gabi gabi
Sawa ng magpanggap na masaya kahit hindi
Pagod na akong magmukmok sa isang tabi
Hindi ko na alam kung saan ilulugar ang sariliPinilit kong sumabay sa agos ng mundo
Ginawa ang lahat para matanggap ng ibang tao
Tila naging sunodsunuran
Naging alipin ng sarili kong kagustuhanDahilan kung bakit napatay ko ang aking sarili
Hindi sa paraang pagbibigti
Hindi gumamit ng kutsilyo
Hindi uminom ng asidoPinatay ko ang aking sarili
Noong araw na ako'y naging makasarili
Noong nagbulagbulagan kahit alam na mali
Sa kasalanan ay nagpasakop ng unti untiPinatay ko ang aking sarili
Ngunit nabuhay itong muli
Nang sa kasalanan na siyang naging sumapa
Ako'y kanyang hinayaang makawalaWalang dumanak na dugo mula sa aking katawan
Ngunit nalinis ng dugo ang aking kasalanan
Hindi ako nasaktan ng lubusan
Inako niya ang kamatayang sa akin ay nakalaanNabigyan muli ng kahulugan ang aking buhay
Noong bumaon ang mga pako sa kanyang paa at kamay
Nabuhay akong muli
Kasabay ng pagsalo niya sa mga latay at gulpiKaya ngayon, pinatay ko ang aking sarili
Ang sarili, na siyang binalot ng kasalanan dati
Ang sarili, na puno ng poot at galit
Ang nakaraan na puno ng paitPinatay ko ang aking sariling kagustuhan
Ang pusong nabalot ng kasakiman
Buhay na nawalan ng kahahantungan
Mga bagay na naging ugat ng kasalananPinutol ko ang nag-uugnay na tali
Mula sa akin at sa pagkakamali
Pinatay ko ang aking sarili
At sa puso ko'y hinayaan siyang magwagi
BINABASA MO ANG
Sa Piling Niya
PoesíaAno nga ba ang pakiramdam ng makasama siya? Totoo ba ang sinasabi nila na siya'y may dalang kakaibang saya? Yung tipong sa piling niya wala ka ng hahanapin pang iba. At mapapasabi ka nalang na iba ang feeling sa piling niya.