Ang buhay ng tao mahirap hulaan
Walang nakakaalam kung kailan ang hangganan
Walang makakapagsabi ng takdang panahon
Pero siguradong ang lahat ay darating doonKamusta ka? Nasa anong punto ka na ng buhay mo?
Ngayon ba'y sinusulit mo na ang bawat minuto?
Masaya ka bang namumuhay ayon sa iyong gusto?
O baka naman alanganin na't malapit ng sumuko?Gusto ko lang malaman mo na talagang darating ang araw
Na may magbabago sa iyong pananaw
Mararanasan mo ang pagkalito
Sarili'y tatanungin kung anong tungkulin sa mundoDarating ang araw na ika'y maghahangad
Kung saan mga kagustuhan ay nanaising matupad
At sa sariling lakas na'y kakapit
Maiinip at magiging mapilitDarating ang araw na pipiliin mong lumaya
Tunay na kaligayaha'y hahanapin sa iba
Yayakapin ang mga makamundong gawain
Sasabay sa agos hanggang sa kung saan ay tangayinAlam mong napasaya ka ng iyong naging desisyon
Pero sapat ba ang mga bagay na iyon?
Sapat bang binago ang sarili
Para sa nahanap na kaligayahan ay manatili?Ngunit ngayon dumating ang araw
Kung saan dilim ang siyang mas nangibabaw
Nanibago ka at mistulang naging bulag dahil sa lawak ng kadiliman
Nangangapang binabaybay ang daan na unti unting naging kawalanDarating ang araw na luluha ka't pagsisisihan
Ang mga bagay na dapat hindi mo pinasok at sinimulan
Dahil ngayo'y napagtantong di mo kakayaning takasan
Lalo na't dilim ang siyang kalaban sa pagkamit ng kalayaanNgunit sa kabila ng lahat darating muli ang araw
At tanging liwanag lang nito ang matatanaw
At sayo'y ipapaalala na siya ang tanging pagasa
Sa iyo'y siya lang ang tanging makakapagpalayaMatataboy niya ang kadiliman
Pati ang sa buhay mo'y naging kasiraan
Pipilitin niya na ang kaniyang liwanag ang sa buhay mo'y magwagi
Upang sa kadiliman ay hindi ka na magawing muliDarating ang araw
Na hindi ka na muling maliligaw
Dahil kasabay ng pagdating niya sa iyong buhay
Tahanan sa piling niya ang kaniyang alay
BINABASA MO ANG
Sa Piling Niya
PoésieAno nga ba ang pakiramdam ng makasama siya? Totoo ba ang sinasabi nila na siya'y may dalang kakaibang saya? Yung tipong sa piling niya wala ka ng hahanapin pang iba. At mapapasabi ka nalang na iba ang feeling sa piling niya.