Hinanap Kita, Nahanap Niya Ako

32 3 0
                                    

Nang dahil sa lumbay
Sa mundo'y pinilit sumabay
Sa ibang tao ay nakibagay
Pag-ibig ang inakalang tulay

Ako ay sumugal, pinili ko ang magmahal
Tila naging hangal, dahil sa aking inasal
Nilibot ang buong daigdig
Para mahanap ang iyong pag-ibig

Hinanap kita
Sa kabila ng pag-aalinlangan at pag-aalala
Ang kadiliman ay hindi naging alintana
Sinuong ang panganib na nakaadya

Hinanap kita, kahit walang katiyakan
Sa kung ano ang posibleng kahinatnan
Sa kabila ng takot na nadarama
Na ang lahat ay mauwi lang sa wala

Hinanap kita
Kahit mababa ang tiyansang makita ka
Sumubok kahit hindi sigurado
Kung ika'y nanjan ba sa kabilang dulo

Hinanap kita
Hindi man sigurado kung ako'y hinahanap rin ba
Kahit ito'y lingid man sa iyong kaalaman
Hindi man tayo pareho ng nararamdaman

Buong pusong naglaan ng oras
Katiyagaan ay aking ipinamalas
Sa pagaakalang ito'y pag-ibig na wagas
Akala ko magkakaroon na ng magandang wakas

Isinawalang bahala ang takot
Tiniis ang aking pagod
Ang puso ko ang siyang sinunod
Ngunit bakit ito'y nauwi sa bangungot?

Akala ko ito'y isang magandang rosas
Ngunit kinalaunan ay naging isang posas
Ako'y nakulong at nawalan ng lakas
Sa higpit ng gapos ay hindi makatakas

Sa paghahanap ko sayo
Sa kadiliman ay naging preso
Sa kahibangang ito ako ay nakulong
Ang sigaw ay naging mahinang bulong

Sa paghahanap ko sayo
Sarili'y sa kanya inilayo
Oras sayo'y nilaan ng buong buo
Sa kanya'y walang natira ni segundo

Sa paglibot sa bawat distrito
Sa pag-suong maging sa mga kanto
Sa paghahanap ko sayo
Tila sa kanya ako'y nagtatago

Sa paghahanap ko sayo
Sa paghahanap sa pag-ibig mo
Maling daan ang siyang tinahak ko
Nagkamali at naligaw ako

Sa kabila ng paghahanap ko sayo
Nahanap niya ako
Pinilit iligtas mula sa kahibangang ito
Pinalaya ang dating isang preso

Sa pagkadarapa ako'y kanyang tinayo
Ako'y kanyang muling binuo
Binalik ang pag-asa sa aking puso
Tinama ang kamaliang ito

Aking tuluyang napantanto
Ang aking hinanap ay maling tao
Pagkat ang talagang kailangan ko
Ang Diyos na may pag-ibig na totoo

Tinalikuran ko siya, sa kagustuhang makasama ka
Sinundan niya ang yabag ko, upang matiyak ang kaligtasan ko
Hinanap kita
Pero nahanap niya ako

Sa Piling Niya Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon