Tinawag Nila Ako, Tinawag Mo Ako

19 2 0
                                    

Tinawag nila ako
Para gawin ang mga bagay na ito
Sumabay sa agos ng mundo
Makisakay sa bago't uso

Tinawag nila ako
Na parang akong isang dayo
Tinuruang makipag kapwa tao
Kinailangang makibagay sa mga ito

Tinawag nila ako
Sinunod lahat ng kanilang payo
Oras ay ginugol para magbago
Sarili'y pinilit na maging katanggap tanggap sa mga ito

Pero bakit tila may mali?
Hindi ko na makilala ang sarili
Sa kagustuhan kong makibagay
Tila hindi na ito ang pinahalagahan kong buhay

At ngayon, tinawag nila ako
Isang hangal at walang kwentang tao
Sa kabili ng lahat ng bagay na ginawa ko
Panghuhusga parin ang aking natamo

Ako ay naging alipin
Ng kanilang mga tingin
Isang lapastangan, ganyan nila ako kung tukuyin
Nasugatan ng mga salita ang aking puso't damdamin

Ngunit, sa kabila ng ingay ng mundo
Sa kabila ng naririnig kong negatibo
Narinig ko ang tinig mo
Tinawag mo ako

Nakiusap na lumapit sayo
Sa nararamdaman ko'y may kung ano
Mga paa ko'y kusang sayo'y tumungo
Tila kahit paano'y napanatag ang loob ko

Tinawag mo ako
Binanggit ang pangalan ko
Laking gulat dahil ako'y kilala mo
Pero sino ka? Ano ang iyong pagkatao?

Tinawag mo ako
Sa pagkakasadlak ay tinulungang tumayo
Lakas ng loob ay binalik mo
Unti unting tinulungang magbago

Tinawag mo ako
Sarili'y mas nakilala ko
At doon ko napagtanto
Sa kasalanan hinayaan ang sariling magtago

Tinawag mo ako
Ipinaramdam ang pagmamahal mo
Mga nadurog na piraso sa aking puso
Ay pinulot at muling binuo

Tinawag mo ako bilang isang anak
Hindi ininda ang aking pagiging wasak
Tinanggap bilang kalakip ng iyong buhay
Ngayon ika'y handang gumabay

Sa Piling Niya Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon