Alvin Kurt's POV
Nang marinig ko yung sigaw ni Abie ay agad naman akong tumakbo para hanapin sila Carl kung saan nila dinala si Abie.
Ayun sila!
Agad ko namang nakita sila Carl na may buhat buhat na isang babae at naka school uniform. Bat kailangan pa nila takpan yung mukha ni Abie? Eh, makikita naman sila nito mamaya eh.
Sinundan ko muna sila Carl kung saan nila dadalhin si Abie. Baka kasi kapag nakita nila ako ay hindi ko na mailigtas si Abie eh. Kaya sinundan ko na lang muna sila.
Maya-maya pa ay agad naman silang huminto sa paglalakad sa harap ng isang warehouse na di kalayuan sa school namin. Teka lang? Ngayon ko lang nalaman na meron pa lang warehouse dito.
Agad nilang ipinasok sa loob ng warehouse si Abie at itinali sa isang upuan habang may takip pa rin ang mukha nito. Syempre hindi ako basta basta susugod. Titignan ko muna kung anong gagawin nila kay Abie.
Carl's POV
Pagkadating namin sa warehouse ng dad ko ay agad naman naming itinali si Abie sa isang upuan habang sinusubukan niya pang makatakas. Hindi siya makasigaw ng maayos dahil nga nilagyan namin ng tape yung bunganga niya.
"Dahil sayo hindi na lumalapit samin si Kurt. Dahil sayo nagbago na ang ugali niya. Ano bang meron ka at napabago mo si Kurt?" sabi ko sakanya.
Naririnig ko na sinusubukan niyang magsalita pero hindi niya magawa dahil nga sa tape na nakadikit sa bunganga niya. Kaya napagpasyahan naming tanggalin na ang takip na nakalagay sa mukha ni Abie.
Nang matanggal na namin yung takip sa mukha ni Abie ay lahat kami ay gulat na gulat.
"S-sino ka?!" sabi ko habang gulat na gulat pa.
Pano ba naman kasi, akala namin si Abie na yung nakuha namin yun pala iba pa. Pano nangyari ito? Ang alam namin si Abie yung nakuha namin kanina ah? Bakit iba yung nakuha namin? Ano ba naman ito. Badtrip naman oh! >,<
Agad naming tinggal yung tape na nakadikit sa bunganga nitong babae na ito.
"A-ano ba? S-sino ba kayo?" sabi nang babae.
"Ayy, Patay! Pasensya na. Nagkamali kami ng nakuha." sabi naman ni Joshua.
"Oo nga. Pasensya na. Sige na, papatakasin ka na namin." agad ko namang sabi.
"Kanina pa nga ako nagsasalita eh! Tapos di naman ako makapagsalita dahil sa tape na nilagay niyo sa bunganga ko." sabi naman nung babae.
Agad naman naming tinanggal yung pagkakatali niya sa upuan at agad naman siyang lumabas sa warehouse.
"Pano ba yan pre? Palpak nanaman yung plano natin?" sabi saken ni Joshua.
"Kayo kasi ang palpak! Yun na nga lang ang gagawin niyo nagkamali pa kayo!" sigaw ko dahil sa galit.
"Pre wala namang ganyanan. Magkakatulong tayo dito. Kung nagkamali man tayo, lahat yun ay pagkakamali natin." sabi naman nitong si Bj.
"Wala.akong pakialam! Simula ngayon, ayoko nang makita ang pagmumukha ninyo! Ayoko na maging kaibigan kayo!" sigaw ko sabay alis palabas ng warehouse.
Mga bwiset! Yun na nga lang ang gagawin nila hindi pa nila nagawa ng tama. Ang tatanga talaga nila! Hayy Nakoo! >,<
Alvin Kurt's POV
Laking gulat ko naman nang bigla kong makita yung babae na akala ko si Abie. Nagkamali pala sila sa pagkuha. Ang tanga naman nitong mga ito. Hahahahaha :D Buti nga sakanila. Ang sasama kasi ng ugali nila.
Pero ang mas ikinagulat ko ay yung ginawa daw nila ito dahil saakin. Bat ako nadamay dito? Nagbago na daw yung ugali ko. Ayoko naman kasi sa ugali nila. Ang sasama nang ugali nila. Kaya ayokong makipag kaibigan sakanila.
Agad naman akong umalis at lumabas ng warehouse nang lumabas na ang mga mokong na ito.
Sa totoo lang, nang makilala ko si Abie, talagang nagbago ako. Dati talaga mapangasar akong tao. Pero nagbago ako nang makilala ko si Abie. Ano bang meron ka at napabago mo ang pag uugali ko.
(a/n) Natapos ko din itong part na ito. Nagkasakit kasi ako eh. Kaya ngayon lang ako nakapag upadate. Medyo Okay na din po ako. Sana nagustuhan ninyo itong chapter na ito.
Still Read, Vote and Comment lang po. Ü
Thankyou again. <3