Chapter 10: I'll Be There For You

64 7 16
                                    

Pagkauwi ko nang bahay namin ay agad ko namang naisip yung recitation namin. Baka kasi bagsak na kami sa pangalawang beses na recitation namin eh.

Kaya naman agad kong kinuha yung notes ko sa bag ko para mag review ulet. Baka naman kasi pwede pang magrecite ulet. Kahit wala pa si Abie bukas ay magrereview pa rin ako para sa grades namin. By pair naman kasi yun eh. Kaya nagreview ako nang nagreview.

Abie's POV

Nagising ako nang tanghali na habang umuulan ulan pa. Ginising kasi ako ni Mama para kumain. Natatakot naman ako na baka isuka ko lang yung mga kakainin ko. Kasi bawat inom ko nang gamot ay sinusuka ko lang eh. Pero kailangan ko daw kasi talagang kumain dahil wala nang laman yung tiyan ko dahil sa kakasuka ko. Ganun kasi ako kapag nagkakasakit. Kahit minsan mababa lang yung sakit ko ay suka pa din ako ng suka. Ewan ko ba kung bakit.

"Anak. Bumangon ka muna para kumain." sabi ni Mama at bumangon na nga muna ako.

"Mama. Natatakot po ako."

"Bakit naman anak? Para saan?"

"Baka kasi isuka ko lang ulit yang kakainin ko eh." sabay tingin ko sa pagkain na hawak ni Mama.

"Wag ka mag alala anak. Okay Lang na isuka mo 'tong mga 'to basta magkaron lang ng laman yang tiyan mo."

"Osige po Mama. Sumasakit na din po kasi yung tiyan ko dahil sa gutom eh."

"Kailangan mong labanan yung sakit mo anak para gumaling ka kaagad." sabi naman ni Mama habang hinahalo-halo yung lugaw na nakalagay sa mangkok. Ayun lang kasi yung gusto kong kainin eh. Dahil nga sa takot ko.

Kaya naman agad akong pinakain ni Mama ng lugaw ng biglang, "M-mama. N-nasusuka po ulit ak--" di ko na natapos yung sasabihin ko ng biglang masuka na ako. Buti na lang at may nakahanda nang timba sa gilid nang kama ko.

"Okay Lang yan anak. Kaya mo yan. Basta kumain ka lang ng kumain para magkalaman yung tiyan mo." sabi ni Mama.habang hinihimas yung likuran ko habang sumusuka pa ako. Pag angat ko nang ulo ko ay agad nanaman niya akong pinakain ng lugaw ngunit sinuka ko lang ulit yun.

Wala nang nagawa pa si Mama kundi painumin na lang ako nang gamot. Mukhang bagong bili pa lang. Mukhang ang mahal din. Pero naaawa na ako kay Mama dahil di na nga siya nakakapasok sa work niya dahil saakin ngayon naman gumastos pa siya para pambili ng gamot.

"Akala mo ako bumili nito anak ano? Hindi ako ang bumili nito. Yung kaibigan mo na matangkad, medyo maputi at mabait. Yung pumunta na din dito kahapon." iniisip ko pa lang kung sino yun ay naalala ko na agad si Kurt. Siya nanaman kaya yung nagbigay nito?

"Si Kurt po ba Ma?" tanong ko kay Mama.

"Oo anak. Yun nga. Yung mabait na kaibigan mo. Pumunta siya dito para lang kamustahin ka at para ibigay 'tong mga gamot." sagot naman ni Mama. OhmyGosh! Si Kurt nanaman? Nahihiya na talaga ako sakanya. Siya na lang lagi ang tumutulong saakin. Paano ko kaya siya mapapasalamatan?

"Alam mo anak. Ang bait-bait nun. Gusto ko siya para sayo. Na maging kaibigan mo ha. Baka kung ano isipin mo diyan." sabi naman ni Mama.

Mali pala talaga yung pagkakakilala ko sakanya. Akala ko talaga masama yung ugali niya. Pati Mama ko nasabing mabait si Kurt. Mabait pala talaga siya.

Agad naman akong pinainom ni Mama ng gamot na binigay ni Kurt. Mukhang masarap at matamis 'to ha. Hehehe"!

Thankyou Kurt. Kung nandito ka lang, siguro nayakap na kita nang mahigpit dahil sa sobrang pasasalamat ko saiyo.

Buti na lang lagi kang nandyan para saakin. Sana wag kang mawawala ha. Buti na lang at naging kaibigan ko siya. Nakuha ko na yung ninanais kong kaibigan. Yun bang laging nandiyan kapag may problema ka, kapag may kailangan ka. Salamat talaga Kurt at lagi kang nandiyan.

Pagkainom ko nang gamot ay laking gulat ni Mama na hindi ko isinuka yung gamot na iyon. "Anak. Buti na lang hindi mo na sinuka. Buti na lang binigay 'to ng kaibigan mo. Baka dahil dito gumaling kana." sabi ni Mama saakin.

Buti na lang talaga binigyan ako ni Kurt ng gamot para gumaling na agad ako. Sana makapasok na agad ako para makapagpasalamat kay Kurt. Sana naman talaga.

"Osige matulog kana anak. Magkumot ka anak ha. Umuulan pa naman at baka ginawin ka." sabi ni Mama saakin.

Agad naman akong humiga ulit para magpahinga.

Alvin Kurt's POV

Pupunta ako ngayon sa isang gotohan para bumili ng lugaw at ibibigay ko kay Abie.

"Mama. Bibili lang po ako ng lugaw sa gotohan ha." paalam ko kay Mama.

"Osige anak. Pero teka lang anak. Umuulan ha. Magpayong k---" hindi ko na pinatapos si Mama sa pagsasalita at tumakbo na ako palabas ng bahay namin kahit umuulan.

Sumugod ako sa ulan para lang mabilan si Abie ng Lugaw. Okay lang kahit magkasakit ako basta gumaling lang siya.

Agad akong lumusong sa baha. Nagbaha kasi dun sa kalsada dahil sa lakas ng ulan. Kahit basang-basa na ako ay okay lang. Hehehe!

Pagdating ko sa gotohan ay agad naman akong bumili ng lugaw.

Then, pagbili ko nang lugaw ay tumakbo agad ako kala Abie.

*ding dong* Door bell ulit yan ha. Walang aangal Hahaha!

"Oh Kurt? Bat ka nandito? Ang lakas lakas ng ulan ha? Tapos wala ka pang payong. Baka magkasakit mapa niya." sabi nung Mama ni Abie habang nakapayong.

"Ahm.. I-ibibigay ko lang po 'tong lugaw kay Abie." sabi ko naman sa Mama ni Abie habang giniginaw pa.

"Ano ka ba iho. Nag abala kapa. Ako na lang dapat yung bumili niyan. Baka kasi magkasakit ka eh." sabi naman ng Mama ni Abie.

"Naku! Okay lang po yun. Eto na po oh. Pakibigay na lang po kay Abie tapos painumin niyo na lang po siya ng gamot na binigay ko kanina." sabi ko naman sabay abot nung lugaw na binili ko.

"Sige iho maraming salamat ha. Pumasok ka muna dito."

"Ahm.. Hindi na po. Uuwi na din po ako agad. Nagpaalam po kasi ako sa Mama ko na uuwi din po ako agad." sabi ko naman sa Mama ni Abie.

"Ahm.. Sige iho. Ingat ka ha. Umuwi kana agad. Baka magkasakit ka pa." sabi naman ng Mama ni Abie.

Agad naman akong tumakbo pauwi sa bahay namin. "Oh anak. Sabi ko naman sayo magdala ka ng payong diba?" sabi ni Mama.

"Okay lang naman po ako Mama. Sige po maliligo lang po ako ha." sabi ko naman kay Mama sabay diretso sa Cr namin.

Pagkatapos ko maligo ay agad akong umakyat sa kwarto ko habang nakatupis pa.

Agad naman din akong nagbihis para makatulog na dahil sa pagod ko.

(a/n) Hanggang dito muna Guys. Maraming salamat sa pagbabasa.

Still Read, Vote and Comment lang po. Ü

Thankyou Again. <3

If Elementary student InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon