Abie's POV
"Mommy! Si Justin Oh! Yung Toy ko! Kinuha niya." -Ako.
"Bhelaat! :P Akin na ito Ate! Hahahahahaha." -si Justin.
"Anak ibalik mo yan kay Ate mo." -si Mommy.
"Ayoko nga po Mommy." -si Justin.
"Mommy naman eh. Yung Barbie ko! Baka masira na yan!" -Ako.
Hindi nga ako nagkakamali at nasira na nga yung toy ko.
"Hala Ate! Nasira yung toy mo. Sorry na ate ah." -si Justin biglang tumakbo pagkatapos niya ihagis yung toy ko na nasira niya.
"Huhuhuhuhuhu :'(" Wala na akong nagawa kundi umiyak at tumakbo palabas ng bahay namin.
Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa isang kanto na malayo na pala mula sa house namin.
Napaupo nalang ako sa isang gater ng kalsada at iniyuko ang ulo ko dahil hindi ko na alam kung paano uuwi. Let me introduce myself.
I'm Abiegail Rodriguez. You can call me "Abie". 7 years old. Grade 1 pa lang ako sa darating na pasukan ngayon.
Ngayon alam niyo na kung bakit hindi ako makauwi mag isa. Kasi naman masyado pa akong bata para umalis mag isa.
Hindi ko pa naiaangat yung ulo ko ng biglang,
"Bata, Okay ka lang?" sabi nung batang lalaking nakatayo sa harapan ko.
"Okay lang ak---" hindi ko na natapos yung pagsasalita ko nang makita ko yung batang lalaki na nasa harapan ko. Infairness, Ang Gwapo niya pala. Hindi ko kasi agad nakita yung mukha niya kasi nakayuko ako.
"Bakit ka umiiyak?"
"W-wala i-ito." sabi ko naman habang pinupunasan yung mga luha ko.
"Ano nga? Saan ka ba nakatira?"
"Hindi ko nga alam kung paano ako makakauwi eh. Kasi nawawala ako."
"Hah? Paano nangyari yun? Nakapunta ka nga dito eh. Tapos di mo alam kung paano ka uuwi?"
"Kasi nga takbo lang ako nang takbo. Yung kapatid ko kasi sinira yung toy ko."
"Ah Ganun ba? Sige sasamahan na lang muna kita dito. Hindi ko din kasi alam dito sa lugar na ito eh. Bago lang kasi kami dito eh."
"Ah sige okay lang. Baka naman hanapin ako nila Mommy. Pero sana nga."
Then, Pagkatapos nang mahaba naming pag uusap ay biglang dumating si Mommy para sunduin ako.
"Anak! Bakit bigla ka na lang umalis sa bahay? Paano kung may nangyari sayong masama? Hindi pa naman namin alam kung saan ka nagpunta. Tsaka paano ka nakarating dito? Ang layo layo na nitong lugar na ito ha?" sabi ni Mommy habang nakayakap saken.
"Okay lang po ako Mommy. Wala naman pong nangyaring masama saken. Buti na nga lang po may kasama ako dito at sinamahan muna ako habang hindi pa ako nakakauwi saatin eh. Ito po siy--" ituturo ko na sana yung batang lalaki na sinamahan ako dito sa lugar na ito nang makita kong wala na siya.
"Oh anak? Nasan na yung batang sinasabi mo?"
"Mommy bigla po siyang nawala eh. Kanina po nandito lang po siya."
"Hayy Nakuu anak. Halika na nga at umuwi na tayo. Kanina pa kami nag aalala sayo. Baka kasi kung ano nang nagyari sayo eh."
Pagkatapos ay agad naman kaming sumakay ng taxi at umuwi na.
—————————
(a/n) Inuulit ko po na itong story kong ito ay gawa gawa ko lang. Kaya kung nagtataka kayo kung bakit bata pa lang sila ay naiinlove na agad sila ay gawa na din po ng imahinasyon ko. Still support and must Vote, Read and Comment po till end.