Chapter 2: New School Year

165 12 1
                                    

Alvin Kurt's POV

"Teka lang ah. Yung alaga kong aso nakalabas nanaman sa bahay namin eh." sabi ko sa batang umiiyak. Pero di niya yata ako narinig kasi kausap niya yung Mommy niya eh.

Di ko nalang sila inistorbo at tumakbo na ako agad papunta dun sa alaga kong aso na gumagala-gala. Ang gala talaga nitong aso ko na ito.

Pagkabalik ko naman ay wala na yung babaeng umiiyak kanina tsaka yung Mommy niya. Baka naman nagmamadali lang kaya umalis na agad. Bayaan na nga natin.

Agad naman akong pumunta sa bahay namin at naglaro nalang ng mga computer games.

Abie's POV

"Mommy Papasok na po ako. Hindi mo ba ako ihahatid?" sabi ko kay Mommy habang buhat buhat yung mga gamit ko.

"Anak naman. Nakita mong may inaayos pa akong mga gamit dito diba? Kung gusto mo mag taxi ka na lang. Medyo malapit lang naman yung school niyo mula dito eh." sabi naman ni Mommy habang inaayos yung mga nakakalat na mga libro sa sahig.

"Sige na nga Mommy." sabi ko naman sakanya.

"Oh! Ito pamasahe anak." sabi naman ni Mommy sabay abot ng pera saken.

Tama nga naman si Mommy, Malapit lang naman mula dito sa bahay namin yung school na papasukan ko. Siguro mga tatlong kanto lang naman siya kalayo.

Then, Pagkalabas ko nang bahay namin ay agad naman akong pumara ng tricycle. Kasi naman mas mura pa yung pamasahe sa tricycle kesa sa taxi.

"Manong, Pasakay po." sabi ko sa driver ng tricycle.

Bigla namang huminto si Manong na driver ng tricycle.

"Saan tayo bata? Dun ba sa school mo?" tanong niya.

"Ahm, Opo dun nga po." sagot ko naman.

"Ah, Sige." sabi naman niya.

Ilang minuto pa lang ang lumipas ng biglang,

"Bata, Dito ka na lang bumaba. Na Flat ata yung gulong ko eh." bigla ba naman niyang sabi.

So, Ako pa ata ang naka flat ng gulong ni Manong. Hindi naman ako mabigat ah? Tama lang naman yung Weight ko...

"Ah, Sige Po. Dito na lang po ako. Lalakadin ko na lang po." bigla naman akong bumaba mula sa tricycle ni Manong.

Malapit-lapit naman ng konte mula dito eh. Kaya pumayag na lang ako. Naka libre pa ako sa pamasahe. Hahahahaha. *Evil Laugh* ^_^

Maya-maya pa ay naglakad na ako. Hindi pa ako nakakalayo ay may bigla ba namang tumulak sakin na mga lalaki.

Mga elementary student din sila sa school na papasukan ko.

"ARAAYY KO NAMANN!" sigaw ko.

"Hindi ka kasi tumatabi sa dinadaanan namin eh." -boy 1

"Oo nga naman." -boy 2

"Paano pare? Anong gagawin natin dito?" -boy 3

"Kayong nang bahala." -boy 1

Aba't nga gangster pala tong mga ito eh. Elementary student pa lang at ang babata pa ganun na sila?

Oh Come On! >,<

"Paano ba yan? Kami na daw bahala." -boy 2

Hahawakan na sana nila yung uniform ko at hihilain ay biglang,

"Bitawan niyo nga yan! Wag niyo nang ituloy yan." biglang may bata ding lalaki ang papalapit sa direksyon namin.

Pero teka wait?!

Siya din yung batang sinamahan ako nung isang araw ah? Anong ginagawa niya dito?

"Pare, Buti nandito ka. Samahan mo na kami, kung gusto mo tumulong ka na din samen dito." -boy 1

"Teka lang ah. Anong pinagsasabi niyo dyan? Anong gagawin niyo sakanya?" sabi nung guy na sinamahan nga ako.

"Basta pare. Manood ka na lang muna samen." -boy 2

Hahawakan na niya sana yung uniform ko nang biglang,

"Hindi ako sang ayon sa gagawin niyong yan." sabi nung guy habang hawak niya yung kamay nung lalaki na muntik nang hawakan yung--- alam niyo na yun.

"Bakit naman pare? Wala naman tayong ganyanan. Akala ko ba gusto mong sumali sa grupo namin?" -boy 2

"Pero nagkamali pala ako sa desisyon ko." sabi nung guy.

Pero teka nga lang,

Kung hindi ako nagkakamali,

Magkakilala na pala tong mga ito matagal na?

Pagkasabi nung guy na yun ay agad naman niya akong hinila paalis.

Agad naman kaming pumunta sa school na papasukan namin. Dito din pala siya mag aaral eh.

"Teka nga lang, Ibig sabihin matagal na pala kayong magkakilala nung nga lalaki kanina?" tanong ko sakanya.

"Ahhh, Ehhh,---- Oo eh. Pero hindi ako kagaya nila nang ugali ah. Wag mong isipin yun." agad naman niyang sagot.

"Pero naging kaibigan mo sila diba?" tanong ko ulit sakanya.

"Ahhmm, Oo eh." sagot naman niya.

"Ayun na nga yun eh. Magkaibigan kayo. So, ibig sabihin hobby niyo na ang mang ganun nang mga babae?" sabi ko naman agad sakanya then, tumakbo paalis papunta sa room namin. Alam ko na kasi agad kung saan yung section ko eh. Nung enrollment pa lang.

"Pero teka lang! Hindi ako kagaya nila!" narinig ko pang sabi niya pagkatakbo ko.

Talaga lang ah. Hindi siya kagaya nung mga lalaking yun. Ang babastos nila. -,-

Then, Pagkatapos naman ng lahat ng subjects namin ay agad naman akong umuwi. Baka kasi makita ko nanaman yung lalaki na yun eh. Akala ko pa naman mabait siya, yun pala mali yung akala ko.

———————————

(a/n) Paalala lang po ulit, Lahat ng po ng mga ito ay gawa gawa ko lang. Baka po kasi may mga humusga na mga bata pa sila para mainlove eh. Pero thankyou sa mga patuloy na nagbabasa. Don't forget to Read, Vote and Comment lang po ah. ^_^ <3

Next time nalang po ulit yung update.

If Elementary student InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon