Chapter 8: You're Always Here

67 9 0
                                    

Pagkauwi ko nang bahay ay agad naman akong humiga sa kama ko. Sobrang pagod ko talaga dahil sa naglakad nanaman ako pag uwi. Pero this time, may mga kasabay na ako. Hehehe! Di na ako nag iisa, may karamay na ako. Yun nga lang, nahalata ni Mama na bakit daw ako pagod na pagod. "Anak? Bakit mukhang pagod na pagod ka? Naglakad ka nanaman ba pauwi?" tanong niya.

"Ahm, K-kasi ma. May mga kasabay nanaman na ako. Tsaka okay lang naman po ako. Hindi naman ako masyado napagod. Magpapahinga lang po ako." sabi ko naman kay Mama.

"Talaga lang anak ha. Sige magpahinga kana dyan. Kung gusto mo kumain bumaba ka lang ha. Sige anak. Sweet dreams." sabi naman ni Mama. Agad niya naman akong hinalikan sa noo ko at bumaba na ng kwarto ko.

Kung alam lang ni Mama na para akong lalagnatin. Pero syempre hindi ko na lang sinabi dahil ayaw kong mag alala pa siya para sakin. Kaya naman itinulog ko na lang yung nararamdaman ko.

Alvin Kurt's POV

Sa wakas, naging magkaibigan na din kami. Buti na lang naging magka partner kami sa recitation. At salamat din kay God dahil dininig niya yung panalangin ko. Sana magtuloy tuloy pa ito at hindi na kami muli pang mag away.

Pero teka nga lang? May part 2 nga pala yung recitation namin bukas. Since kami na ni Abie ang magka partner ay siya pa din yung kapartner ko para bukas. Kaya naman pupuntahan ko na lang siya sa bahay nila para makapag review na kami.

Agad naman akong lumabas sa bahay namin at naglakad patungo sa bahay nila Abie. Kahit pagod din ako galing school ay okay lang dahil para naman samin itong gagawin ko. Para na din hindi na magalit pa sakin si Abie.

Pagkarating ko sa bahay nila Abie ay agad ko namang nakita yung Mama niya na nagluluto sa kusina nila. Dahil nga bukas ang pinto kaya ko nakita. "Ahm Hello po. Ako po si Kurt, Classmate ni Abie. Nandyan po ba siya?" tanong ko sa mama.

"Ahm Oo nandun siya sa itaas. Wait lang ha. Tatawagin ko. Umupo ka muna dyan." sabi ng mama ni Abie sabay turo sa sofa nila.

Agad naman akong umupo sa sofa nila at nag hintay. At umakyat na sa itaas yung mama ni Abie.

Pagtapos ay agad namang bumaba yung mama niya galing sa kwarto ata ni Abie. "Ahm Iho. May sakit pala si Abie. Di ko nga alam na may sakit siya eh. Di niya kasi sinabi sakin." sabi naman ng mama niya na ikinagulat ko.

"Ganun po ba? Pwede ko po ba siyang makita?" tanong ko naman.

"Ah Oo naman halika. Sumunod ka saakin." sabi naman ng mama ni Abie.

Agad naman kaming umakyat sa itaas patungo sa kwarto ni Abie. Nakita ko siya na nakatalukbong ng kumot at para bang ginaw na ginaw.

Agad naman kaming lumapit ng mama niya. "Anak, nandito si Kurt. Gusto ka daw niyang makita." sabi ng mama niya.

"Ahm sige po ma. Iwan mo po muna kami." sagot naman ni Abie habang inaalis yung kumot sa mukha niya. Agad namang umalis yung mama niya mula sa kwarto niya.

"Oh K-kurt? B-bakit ka n-nandito?" tanong ni Abie sakin habang sinisipon pa.

"Ah Eh. Kasi may part 2 pa daw kasi yung recitation natin. Kaya naman naisipan kong pumunta dito para makapagreview tayo. Pero mukhang may sakit ka pala kaya naman hindi na kita pipilitin." sabi ko naman sakanya.

"Ano ka ba? Okay lang ako. Kaya ko pa naman eh. Sige tara na. Magreview na tayo." pagkasabi niya nun ay agad ko naman siyang pinigilan sa pagtayo.

"Hindi na. Unahin na muna natin yung kalagayan mo. Wag mo munang isipin yung grades natin para bukas." sabi ko naman sakanya at inihiga ko naman siya sa kama niya.

"Paano kung--" di ko na siya pinatapos pa at nagsalita na agad ako.

"Ako na munang mag aalaga sayo. Para naman may katulong yung mama mo. Mukha kasing nahihirapan na siya eh." sabi ko naman sakanya.

Wala na siyang nagawa pa at humiga na lang muna. Agad ko namang hinawakan yung noo niya kung gaano ba siya kainit. "Ang taas pala talaga ng lagnat mo." sabi ko sakanya.

"Oo nga eh. Ewan ko ba king bakit ako nagkaroon ng sakit eh." sabi naman niya saakin.

"Saglit lang ha. Kukuha lang ako ng maligamgam na tubig para mapunasan kita." sabi ko sakanya. At bumaba na ako papunta sa mama niya para manghingi ng maligamgam na tubig.

"Ahm tita, pwede po ba akong makihingi ng maligamgam na tubig? Pupunasan ko lang po si Abie." sabi ko sa mama niya.

"Ah Iho. Ako nang bahala sakanya. Wag ka nang mag alala. Ako na ang gagawa noon." sabi naman ng mama niya saakin.

"Wag na po kayong nag abala pa. Ako na lang po ang mag aalaga kay Abie." sabi ko naman sa mama ni Abie.

"Sige. Ikaw na ang bahala. Oh eto na yung maligamgam na tubig." agad naman niyang iniabot saakin yung maligamgam na tubig. Agad ko din naman itong kinuha at umakyat na sa itaas papunta sa kwarto ni Abie.

"Abie. Eto na yung maligamgam. Tumayo ka muna dyan. Pupunasan na muna kita." sabi ko kay Abie.

Agad naman siyang tumayo sa kinahihigaan niya. Agad ko namang pinunasan yung braso niya, yung noo niya at yung binti niya. Pagtapos ay bigla naman siyang nagsalita.

"Thankyou talaga Kurt ha. Paano ba kita magagantihan? Hindi ko alam. Dati akala ko talaga na masama yung ugali mo eh. S-sorry na talaga." sabi niya habang inuubo pa.

"Wag mo na ngang alalahanin yun. Kalimutan mo na lang yun. Alalahanin mo yung karamdaman mo ngayon. " sabi ko naman sakanya at pinahiga ko na ulit siya.

"Maraming salamat talaga Kurt ha. Buti na lang nandyan ka." sabi niya sabay ngiti sakin.

"Wala yun. Basta maya maya uminom ka ng gamot mo ha. Ako nang bahala sa teacher natin bukas." sabi ko naman sakanya sabay ngiti din. "Sige aalis na ako. Mag gagabi na kasi eh. Baka kasi pagalitan pa ako ng mama ko eh."

"Ah sige, Ingat ka sa pag uwi mo ha. Magpapagaling ako promise." sabi niya naman.

"Sige promise mo yan ha. Magpagaling ka ha." sabi ko sabay ngiti then bumaba na sa bahay nila.

"Ahm tita, Alis na po ako. Gabi na po kasi eh. Medyo mabuti na po yung kalagayan ni Abie ngayon." sabi ko sa mama ni Abie sabay ngiti.

"Sige iho. Mag ingat ka sa pag uwi ha. Maraming salamat sa pag alaga mo sa anak ko." sabi naman niya.

Then, umalis na ako sa bahay nila at naglakad na papunta sa bahay namin.

Sana maging okay lang siya. Sana gumaling agad siya. Sana wala nang mas lalala pa sa kalagayan niya.

(a/n) Pasensya na po sa mga wrong grammars ko at typo errors. Sana nagustuhan niyo. Maraming salamat po sa inyo.

Still Read, Vote and Comment lang po. Ü

Thankyou Again. <3

If Elementary student InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon