Pagkatapos ko naman magpaalam kala Majorie ay agad na akong naglakad papunta sa sinabing street ay address ni Ian.
Agad ko namang hinanap yung #107 na address at blue na gate.
"#105, #106, #107!!"
Pagkakita ko nang address na yun at blue na gate ay kaagad naman akong lumapit at nagdoorbell. *ding dong* tunog ng doorbell.
Dito nga ba talaga nalatira yung Kurt na yun? Pagkadoorbell ko ay agad namang may nagbukas ng gate at lumabas ang isang matanda.
"Anong kailangan mo iha?"
"Magtatanong lang po ako kung dito po nakatira si Alvin Kurt Inting?"
"Sino yun? Wala akong kilalang ganun?"
Ha? Tama naman yung address at gate na sinabi ni Ian saakin ha. Pero bakit sabi nung matanda wala daw siyang kilalang ganun? Hindi kaya niloloko lang ako nung Ian na yun? Humanda siya saakin kapag nalaman kong niloloko niya lang pala ako.
"Ah. Sige po salamat po. Akala ko po kasi dito nakatira si Alvin Kurt Inting e."
"Ano kamo? Si Tingting ba? Oo dito nga siya nakatira. Kala ko naman kung sino yung hinahanap mo."
Hayy salamat!! Hindi na ako magpapakapagod pa maghanap ng iba pang gate dito na sinabi ni Ian. Baka naman kasi hindi niya ako masyado narinig noong unang kong sabihin yung pangalan ni Kurt. Hehehehe! Bayaan na nga natin. Atleast alam ko na kung saan nakatira si Kurt ngayon.
"Sige iha. Pumasok ka muna."
Agad naman akong pumasok sa loob ng gate at bahay nila at umupo sa sofa nila.
Nilibot-libot ko muna yung mga mata ko at, Grabe ang ganda din naman pala ng bahay nila Kurt. Pero teka si Kurt ba yun? Nakita ko kasi yung isang frame na nakalagay sa ibabaw ng tv nila. Ang cute niya pala nung bata siya. Sana di kana lang lumaki Kurt. Dejoke lang. Peace tayo diyan ha. Pero dahil kaibigan naman kita, Sige cute ka na hanggang ngayon.
Teka nga lang Abie? Sinasabi ko lang ba na cute siya dahil kaibigan ko siya o may iba pang dahilan?
Nakuu! Erase!! Erase!!
Kalimutan mo na lang Abie. Back to Present.
"Lola nga pala ako ni Tingting iha. Ngayon mo lang ata ako nakilala. Ngayon lang din kasi ako nakauwi mula sa probinsya namin e."
Nagulat naman ako sa sinabi ng Lola ni Kurt. Akala ko pa naman wala na siyang Lola.
"Ganun po ba? Sige po."
"Sige iha. Aakyatin ko muna siya ha. May sakit pa kasi yun e."
Pagkasabi ng Lola niya nun ay agad naman umakyat yung Lola niya sa itaas, sa kwarto ata ni Kurt yun.
Hintay muna ako dito ha.
Hehehe! Okay lang kaya siya? Sana naman okay lang siya.
Agad din namang bumaba yung Lola ni Kurt at lumapit saakin.
"Iha, ikaw na lang umakyat dun sa kwarto niya. Natutulog pa kasi siya e."
"Ahm, Sige po." Pagkasabi ko nun ay agad naman akong umakyat sa kwarto ni Kurt.
Nakita ko agad yung pinto ng kwarto niya. Kakatok pa sana ako kaso naalala ko na tulog nga pala si Kurt sabi ng Lola niya. Kaya naman agad ko na lang binuksan yung pinto ng kwarto niya.
Nakita ko naman si Kurt na nakahiga sa kama niya habang nakakumot.
Agad ko naman siyang nilapitan. Hinawakan ko yung noo niya. Para pa lang makinang mainit 'tong katawan niya. Grabe pala yung sakit nito.
Agad naman akong bumaba sa kusina nila para kumuha ng maligamgan na tubig at nakita ko naman yung Mama ni Kurt na nagluluto.
"O Iha? Ikaw pala yung sinasabi ni Mama na kaibigan ni Kurt. Anong kailangan mo? May kailangan ka ba?"
"Ahm, pwede po ba akong makihingi ng maligamgam na tubig? Pupunasan ko lang po siya. Grabe po kasi yung init niya e."
"Wag ka nang mag alala iha. Ako nang bahalang gumawa nun."
"Hindi po. Ako na lang po. Gusto ko lang pong gumanti sa mga naitulong niya nung may sakit din po ako."
"Ah. So ikaw pala yung sinasabi niya na kaibigan niya na ayaw niyang nakikitang nahihirapan. Mabait ka din naman pala Iha e. Osige na. Eto na oh." Pagkasabi niya nun ay agad naman niyang inabot saakin yung maligamgam na tubig at agad ko din naman 'tong kinuha.
"Salamat po ha."
Pagkasabi ko nun ay agad na akong umakyat papunta sa kwarto niya para mapunasan ko na siya. Nagulat naman akk nang makita kong sinusubukan niyang tumayo.
Agad ko din naman siyang pinigilan at hinawakan sa braso niya. "Anong gagawin mo? Saan ka pupunta?"
"A-abie? A-anong ginagawa mo dito?" Putol-putol pa niyang pagsasalita dahil na din siguro sa sakit niya.
"Wag ka munang bumangon. Hindi ka pa okay. Hayaan mong alagaan muna kita. Gusto kong makaganti naman sa mga kabutihan mo."
"K-kaya ko naman ang sarili ko e. Wag kana mag alala saakin."
"Ang kulit mo naman e. Ako nang bahala. Humiga ka na lang diyan."
Wala na siyang nagawa pa dahil agad ko na siyang pinahiga sa higaan niya.
Kinuha ko naman agad yung maligamgam na tubig at kumuha na din ng towel. Nilublob ko yung towel sa maligamgam na tubig at pinunasan yung braso niya.
Hindi ko namalayan aylt napansin na nakatulog na pala siya. Kaya naman hindi ko na siya inabala pa sa pagtulog niya.
Magpapaalam na sana ako sakanya kaso lang naalala ko na nakatulog nga pala siya.
Napansin ko na lang na palapit na pala yung labi ko sa noo niya. Hindi ko mapigilan yung pag galaw ng labi ko at dumikit na 'to sa noo niya.
Hala ka!! Bakit ko nagawa yun? Hindi kaya nahuhulog na ako sakanya? Pero mga bata pa kami para sa mga bagay na yun e. Hindi pa ako pwedeng umibig dahil nga sa mura pa naming edad. Hindi ko na lang muling inalala yung nagawa ko at naglakad na lang pababa ng kwarto ni Kurt.
Nakita ko naman yung Mama ni Kurt nagluluto pa din sa kusina nila. Kaya naman agad akong nagpaalam sakanya.
"Ahm, tita. Aalis na po ako. Hindi na po ako magtatagal."
"Hintayin mo na 'tong niluto ko. Kumain kana muna dito saamin."
"Ahm. Hindi na po ako magtatagal. Kasi po hindi ako nagpaalam sa Mama ko e. Baka mapagalitan pa ako nun paguwi ko e."
"Ah ganun ba? Sige ingat ka sa paguwi iha ha."
"Ahm sige po."
Pagkasabi ko nun ay kaagad na akong lumabas ng bahay nila at nakita ko yung Lola ni Kurt na nagwawalis sa bakuran nila.
"Oh Iha? Aalis kana? Gusto mo bang kumain muna?"
"Ahm. Hindi na po. Kailangan ko na din po umalis e. Baka mapagalitan po ako ng Mama ko. Hindi po kasi ako nagpaalam e."
"Ah Ganun ba Iha? Sige ingat ka sa paguwi mo ha."
"Sige po."
Sabi ko naman sabay ngiti. Then umalis na ako palabas ng gate nila Kurt at agad na akong naglakad pauwi.
(a/n) Hanggang dito muna guys. Nitatamad na ako e. Hehehe! Salamat po.
Still Read, Vote and Comment lang po. Ü
Thankyou Again. <3