KINABUKASAN: Sa Bahay namin
Pag gising ko ay agad kong nakita si Mama sa harapan ko habang ako'y nakahiga. Kaya naman nagulat ako.
Babangon na sana ako para makapagbihis upang makapasok na ay bigla naman akong pinigilan ni Mama. "Kurt, Anak. Hindi ka muna papasok ngayon." sabi nang mama ko saakin.
Nagulat naman ako kung bakit niya nasabi yun saakin. "Bakit naman po Mama?" tanong ko naman sakanya.
"Hindi mo ba alam na may sakit ka? Hindi mo ba nararamdaman?" tanong naman ni Mama.
"Hindi ko naman po nararamdaman ha?" pagkasabi ko nun ay naman akong bumangon ulet. Pero pinigilan ulet ako ni Mama.
"Bakit ba ang kulit mo anak? Sinabi nang may sakit ka pa nga. Hindi ka kasi nakinig saakin na mag dala ka nang payong e." sabi naman ni Mama na mukhang galit na.
Sa takot ko ay agad naman akong humiga ulet sa kama ko at nagpahinga.
"Osige anak. Diyan ka muna. May gagawin lang ako sa baba ha. Wag ka munang pumasok." sabi ni Mama saakin.
Wala na akong nagawa pa kundi humiga na lang ulet sa kama ko.
Agad ko namang tinext si Ian para sabihan na hindi muna ako papasok dahil nga may sakit ako.
Messege to: Ian
Ian, pakisabi naman sa teacher natin na may sakit ako at hindi ako makakapasok ngayon. Pakisabi na din kay Abie.
Pagkatext ko nun ay agad ko nang nilapag yung cellphone ko sa study table na katabi lang ng kama ko.
Agad naman akong natulog dahil sa sakit ko.
Abie's POV
Hayy salamat! Wala na akong sakit. Makakapasok na ako agad. Makikita ko na ulit si Ku--. Di ko na natapos yung pagiisip ko. Bakit ko nga pala siya hinahanap? Dahil ba sa mga kabaitan na ginawa niya saakin? Hayy Nakoo naman! Bahala na nga.
Andito ako ngayon sa kwarto ko habang nagbibihis. Makakapasok na kasi ako ngayon e.
"Anak. Talaga bang kaya mo na? Baka magsuka ka ulet dun sa school niyo ha." sabi ni Mama habang nagbibihis ako.
"Okay na po ako Mama. Kaya ko na po ito." sagot ko naman sakanya at agad na akong bumaba para kumain.
Pagkatapos ko kumain ay agad na akong nagpaalam sa Mama ko. "Mama aalis na po ako ha." paalam ko kay Mama.
"Sige anak. Ingat ka ha." sabi naman ni Mama.
Agad na akong lumabas ng bahay namin para pumasok na sa school. Agad akong sumakay ng tricycle para hindi na ako mapagod pang muli. Baka kasi bumalik nanaman yung sakit ko e.
Then, pagdating ko sa school ay agad na akong umupo sa seat ko. Katabi ko ngayon si Marjorie.
Lumingon-lingon ako sa paligid ko. Pero teka nga? Sino nga bang hinahanap ko? Wala diba.
Agad namang lumapit saamin si Ian habang tumatakbo pa.
"Abie, Marjorie! Hindi daw muna makakapasok ngayon si Kurt." sabi niya habang hinihingal pa.
"Ha? Bakit naman? May problema ba?" pag aalala ko naman.
"May sakit daw siya ngayon e. Nagtext siya saakin kanina." sabi naman ni Ian.
Ano? May sakit si Kurt? Hindi pwede ito. Anong dapat kong gawin. Di kaya nahawa siya saakin.
"Ano? May sakit si Kurt? Anong nangyari sakanya?" tanong ko naman kay Ian habang nag aalala.