Mahal, para kang isang tula
Isang tula na hindi ko alam kung saan nagmula
Isang tula na hindi ko alam kung bakit ba ginawa
Isang tula na hindi ko alam kung para sa akin nga ba
Para kang isang tula na hindi ko alam kung ano ang pwedeng maging dahilan,
Dahil walang tamang salita ang sumasagi sa aking isipan
Isang tula na hindi ko alam kung tungkol ba saan,
Dahil hindi ko mabigyan ang titulo nito ng tamang kahulugan
Para kang isang tula na hindi ko alam kung para saan,
Dahilan para hindi ko masimulan
Para kang isang tula na hindi ko magawang simulan,
Kasi natatakot akong bigyan ng katapusan
Isang tulang natatakot akong bigyan ng katapusan,
Sa kadahilanang alam kong ako lang rin ang mahihirapan
Para kang isang tula na mahirap wakasan,
Kasi alam kong marami ang masasaktan.