Ang Pagmamahal ng Isang Ina

79 1 0
                                    

Grabe magmahal ang isang ina

Kasi siya yung nandyan kapag ako'y mag-isa

Siya yung kasama ko sa hirap at ginhawa

Siya yung kapiling ko kapag ako'y hirap na hirap na




Sa lahat ng ginagawa ko ay lagi akong sinusuportahan ni Mama

Sa lahat ng pinuputahan ko ay lagi kong kasama si Mama

Sa lahat ng tagumpay ko ay laging nasa tabi ko si Mama

Sa lahat ng pagsubok na pinagdaanan ko ay kasama ko si Mama




Kahit mahirap ang buhay ay nagtatrabaho si Mama

Kahit ang daming problema ay matatag pa rin siya

Kahit may masakit na kay Mama ay nagpapakahirap pa rin siya

Kahit anong mangyari ay hindi ako kailanman pinabayaan ni Mama




Lagi niya akong binibigyan ng halaga

Lagi siyang nandyan kapag kailangan ko siya

Lagi niyang pinaparamdam sa akin na ako'y mahal niya

Kasi ganun magmahal ang isang Ina


- NotYourGray, 2019

TULA 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon