Mundo ko'y tila sinasaksak
Isipan ko'y parang winawasak
Habang luha'y patuloy na pumapatak
Katawan ko'y unti-unting bumabagsak
Isipan ko'y gulong-gulo
Puso ko'y mistulang huminto sa pagtibok niyo
Emosyon ko'y naghahalo-halo
At ang mga ngiti'y unti-unting naglalaho
Walang ibang masandalan
Walang ibang makapitan
Maliban sa aking unan
Na kasama ko sa mga panahong nagdaan
Araw-araw,
Gabi-gabi,
Ay hinihiling na sana hindi na lang totoo
Na sana panaginip lamang ang mga ito
Araw-araw ay naghihirap
Sa problemang hadlang sa mga pangarap
Araw-araw ay nagpapakahirap
Dahil sa problemang hindi alam kung pano mahaharap
Binabalot ang sarili sa kumot
Upang mawala ang lungkot
Binabaon ang lahat sa limot
Para hindi na makaramdam ng kirot
Araw-araw ay kalaban ng mga kabataan
Ang isang problemang naghahatid sa kanila ng kalungkutan
Ang problemang ito'y walang solusyon
Ito ay tinatawag na depresyon