Kaya ko,
Kaya kong isakripisyo lahat para sayo
Kaya kong magtiis ng gutom mapuntahan ka lang sa building niyo
At kaya kong maging walang hiya sa harap ng mga kaklase mo
Kaya ko lahat ng to,
Basta ba ikasasaya ng taong mahal na mahal ko
Kaya kong maghintay sa pagdating mo,
Kahit pa alam kong busy ka sa barkada mo
Di pa ba sapat lahat ng ginagawa ko?
Para mas piliin mo sila kaysa ako
Di pa ba sapat yung pagmamahal na binibigay ko?
Para mas unahin mo sila bago ako
Lahat naman ay ginawa ko
Para makita mo lang yung halaga ko,
Para lang mapakita sayo na kaya ko lahat ng to
Kaya ko naman, pero bakit hindi ako?
Kaya kong takbuhin simula doon hanggang dito
Upang makarating lang sa tabi mo
Kaya kong paghintayin yung mga kaklase ko
Para lang makapunta sayo
Bakit ba kasi hindi lang ako?
Kaya ko namang mahalin ka higit pa sa inaakala mo
Kaya ko ring ipakita sayo na walang papantay sayo
Kaya ko naman eh, pero bakit hindi na lang ako?
