Makata

22 5 0
                                    

Isa kang makata,

Makata na hindi ako makita

Isa kang makata,

Makata na walang ibang ginawa kundi magsulat ng tula



Isa kang makata,

Makata na magaling magbitiw ng mga salita

Mga salitang sa puso ko'y nakaukit na

Mga salitang tagos sa puso ng iyong mambabasa



Mga mambabasa na unti-unti sayo'y nahuhulog na

Mga mambabasa mong hindi mo kilala

Mga mambabasa na nahumaling sa iyong mga akda

Mga mambabasa mong naakit mo gamit ang iyong mga tula



Hindi mo ba napapansin na

Ako'y nahulog na pala

Hulog na hulog na

At hindi na makakaahon pa



Kung sana simpleng tao ka

Kung sana hindi ka isang makata

Kung sana hindi ako nabighani ng iyong mga tula

Kung sana hindi ako nahulog sa iyong mga salita



Alam ko naman kasing wala akong pag-asa,

Sapagkat isa kang makata

Dahil sa bawat akda mo ang pag-ibig mo ay buhay pa,

Ngunit ang totoo'y ubos na at wala nang natira

TULA 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon