Sana

9 1 0
                                    

Sana lahat kaya akong samahan kahit saan

Sana lahat kaya akong hintayin kahit kailan

Sana lahat kaya akong payungan kung kinakailangan

Sana lahat kayang gawin para sakin yung mga bagay na gusto kong maranasan



Sana katulad ka nila

Sana hindi ka rin nahihiya

Sana kaya mong ipakita sa harap nila,

Na ako lang at wala ng iba



Sana ako naman ang unahin mo bago sila

Kasi nakakapagod din pala ang maghintay sa wala

Sana kaya mo akong protektahan laban sa kanila

Kasi nagsasawa na akong matrato na parang kawawa



Sana kaya mong panindigan ang mga salitang iyong binitiwan

Kasi ayokong umasa at masaktan

Sana naman kasi makita mo ang aking kahalagahan

Ng sa ganun ay hindi ako nahihirapan

TULA 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon