Naguguluhan ang aking isipan
Hindi ko na maintindihan ang aking nararamdaman
Para akong sinasakal na hindi ko malaman
Para akong unti-unting hinihila papunta sa kailaliman
Unti-unti akong lumulubog pailalim
Hanggang sa wala na akong makita kundi dilim
Walang kahit sino ang nakita ko
Tanging sarili ko lang ang kasama ko
Naramdaman kong unti-unti akong umaakyat pataas
Gamit ang sarili kong kakayahan at lakas
Hanggang sa nakaabot na ako sa dulo ng mundo
Sa dulo ng mundo kung saan naghihintay ang mga pangarap ko