"Good morning Mom!" Bati ni Yosef sa Ina at humalik sa pisngi nito. "May bisita po pala kayo," anito na hindi agad nakilala ang Ginang na kausap ng ina sa balcon.
"Hindi mo na ba natandaan ang Ninang Lydia mo Iho?" Tanong ni Meldred sa anak.
"Ay sorry po, tagal na rin natin hindi nagkita kong kaya hindi ko agad kayo nakilala." Hinging paumanhin ni Yosef sa Ginang. Mahigit sampong taon na rin nang huli niya ito nakaharap.
"Ok lang Iho, kamusta ka na? Ang laki nang pinagbago mo at binatang binata ka na." Natutuwang niyakap ni Lydia si Yosef.
"Hindi lang iyan binata Mare, matanda na rin siya pero ayaw pa mag-asawa." Naka ingos na kumento ng Ina ni Yosef.
"Kong wala lang sana sakit ang aking Anak eh pwede ko siya ipakilala sa iyong binata Mare." Malungkot na ngumiti ito sa mag-ina.
Nakikinig lang si Yosef sa pag-uusap ng dalawang Ginang habang umiinum ng kape. Ang alam niya nag-ampon ang kanyang Ninang nang dalagita noon dahil walang kakayahan ang mga ito magka anak.
"Wala na ba talaga pag-asa na gagaling siya?" Bakas na rin sa tinig nang Ina ang lungkot.
"Tinaningan na nang Doctor ang kanyang buhay pero ipinaglalaban pa rin namin siya hanggang sa huli niyang hininga."
Napatingin si Yosef sa Ginang nang marinig ang sinabi nito. Wala siyang alam sa buhay ng mga ito ngayon. Sa dami niyang Ninang ay hindi niya rin alam kong alin sa mga iyon ang tinutukoy ng Ina noon nang pinilit sa kanya na gawing secretary si Divine.
"Mawalang galang na po, tama ba ang pagkarinig ko na may malalang sakit ang Anak niyo, Ninang?" Gusto makumpirma ni Yosef ang nasa isip.
Tanging tango lang ang sagot ng Ginang, hindi magawang magsalita dahil sa bigat ng kalooban.
"Hindi ba at kasama mo siya araw-araw Iho? Hindi mo manlang ba napapansin na may sakit siya?" Baling ni Meldred sa anak.
"So si Divine nga ang tinutukoy niyong Anak?" Hindi pa rin makapaniwala si Yosef.
"Ano ka ba Yosef, bakit hindi mo alam?" Sita sa kanya ng Ina.
"Im sorry Ma, may mga problema lang ako na iniisip sa trabaho. Napakamot sa batok na sagot ng binata. "Pwede ko po ba mabisita si Divine Ninang?"
Biglang nag-alinlangan si Lydia sa pagkakataon na iyon kong ano ang isasagot sa inaanak. Hindi lingid sa kanyang kaalaman ang ginawang pagpalit katauhan ng Anak bilang secretary nito.
"Don't worry po 'Nang, nag-usap kami kagabi at alam ko na ang lahat. Gusto ko lang siya kamustahin at linawin ang ilang mga bagay."
Para naman nabunutan ng tinik sa dibdib ang Ginang sa narinig mula sa binata. "Maraming salamat Iho at naunawaan mo siya. Nasa bahay bakasyonan kami ngayon nakatira dahil ayaw niya may makakita sa kanya na kakilala niya."
"Sandali Mare, ang ibig mo bang sabihin ay ilang buwan na rin tumigil sa trabaho ang Anak mo?" Nagugugulohan na tanong ni Meldred dahil ang alam niya ay ito pa rin ang secretary ng anak hanggang ngayon.
"Mahabang kwento po Ma, sasabay na ako sa inyo upang dalawin siya."
Habang sa daan ay nagkwento si Lydia, napahanga naman si Meldred sa tatag at pagmamahalan ng magkapatid. Gusto na rin niya makilala ang kakambal ni Divine Marie.
Tulog si Marie nang nadatnan nila Yosef. Maputla ito dahil walang suot na markara sa mukha. Maganda pa rin sa paningin ni Yosef ang dalaga at nakaramdam siya ng awa para sa kakambal nito sa isiping hindi nito alam ang sakit ng huli.
"Ano ang ginagawa mo dito?" Kunot ang noo ni Marie ng mamulatan ang binata sa kanyang harapan.
"Anak, mabuti naman at gising ka na."agad na lumapit si Lydia sa dalaga. " Sorry Iha, gusto ka nila makita." Kinuwento niya dito kong bakit naroon ang mag Ina.
![](https://img.wattpad.com/cover/181300795-288-k426046.jpg)
BINABASA MO ANG
Langit Sa Piling Mo (Book1: Complete)
RomantikComplete story Rated S.P.G Maraming bed scene po sa kwentong ito. Kwento ng isang dalagang hindi natuloy sa pagka madre dahil na in love sa kanyang boss na babaero. Follow me for book 2 of this story! Thanks for reading!