NAPASAPO sa dibdib si Divine Joy nang maibaba ang telepono. Tulala na napatingin kay Yosef na nasa kanyang harapan ngayon."Are you ok?" Tanong muli ni Yosef sa kanyang secretary. Agad siyang lumabas upang kamustahin ito nang malaman na tinawagan ito ng kanyang Ninang Lydia at pinaalam na nasa Hospital si Marie.
"Hey!" Niyugyog na nito ang balikat ng dalaga dahil parang natuod na ito sa kinatatayuan.
"A-ang kapatid ko!" Nauutal na wika nito at nag-unahan sa pagpatak ang mga luha sa mata.
"Huminga ka muna ng malalim," agad na inabotan ito ng binata ng tubig. Parang tinusok ng karayom ang kanyang dibdib nang makitang umiyak si Joy.
"Kailangan ko puntahan ang kapatid ko, baka napaano na siya!" Nanginginig ang kamay na inabot ang bag.
"Samahan na kita," maagap na inalalayan ito ni Yosef dahil parang mabuwag sa pagkatayo.
Patuloy lang na lumuluha si Joy habang nasa daan. Mabilis ang pagpatakbo ni Yosef ng sasakyan kong kaya tatlong minuto lamang ay naroon na sila sa isang malaki at pribadong Hospital. Ang ina ni Yosef ay naroon din na hindi kilala ni Joy. Nagtataka man kung bakit tila kilala ng amo ang buong mag-anak ng kapatid ay hindi na siya nagtanong. Mas importante sa kanya ngayon ang makita ang kapatid at malaman ang sakit nito.
"Doc, kamusta po ang kapatid ko?" Patuloy sa pagluha na tanong nito sa Doctor na lumabas ng silid.
"Ikaw ba ang kanyang kakambal?" Pinakatitigan siya ng huli ng magtanong.
"Ako nga po, ok lang po ba siya?"
"Sa ngayon ay ok na siya, pero hindi ko masasabi kong hanggang kailan nalang itatagal ng buhay niya. Mahaba na siguro ang tatlong buwan." Malungkot na tugon ng Doctor. "Hinahanap ka niya, maari ka ng pumasok sa loob." Dugtong pa nito na walang idea na walang alam si JOY tungkol sa sakit ng kapatid nito.
"Sa-sandali po, ano ang pinagsasabi mong hindi na tatagal ang kapatid ko!" Garalgal ang boses na hinawakan sa braso ang Doctor.
"Joy, patawarin mo kami kung inilihim namin ito sa iyo dahil iyon ang gusto ng kapatid mo. Sana maunawaan mo at.."
"Hindi totoo iyan!"
Tigmak ng luha ang pisngi ng dalaga. Hindi na natapos ni Lydia ang iba pang paliwanag dito dahil nagwala na ang dalaga.
"Joy, baka marinig ka ng kapatid mo lalo lamang siya masasaktan." Awat ni Yosef sa dalaga at pilit na pinatatayo nang umupo ito sa sahig habang umiiyak.
"Alam mo rin ang tungkol dito at kilala mo siya noon pa?" Galit ang makikita ngayon sa mukha ng luhaang dalaga.
"Teka, mali ka sa iyong iniisip!" Gusto pa sana magpaliwanag ni Yosef ngunit biglang tumayo ito at pinagtutulakan siya palayo.
"Bakit ninyo ako pinagkaisahan? Bakit ninyo inilihim sa akin ang sakit ng kapatid ko? Bakit?" Nagsi-sigaw sa sama ng loob at galit si Joy. Parang sasabog ang kanyang dibdib sa pinaghalong emosyon kung hindi siya sisigaw.
"Iha, huminahon ka!" Tumulong na rin sa pag awat dito ang Ina ni Yosef. Awang-awa sila sa dalaga na hindi na ininda ang hitsura nang mga oras na iyon.
"Joy!"
Panabay na sigaw ng mga naroon nang mawalan ng malay ito. Mabuti nalang at naging maagap si Yosef sa pagsalo dito.
Agad na dinala sa kabilang silid si Joy at sinuri ng Doctor.
"Normal lamang ang pagkawala ng kanyang malay dahil sa nabigla sa pangyayari kanina." Paliwanag ng Doctor na sumuri sa dalaga.
"Salamat Doc," ani Yosef na siyang naiwan upang bantayan ang dalaga.
![](https://img.wattpad.com/cover/181300795-288-k426046.jpg)
BINABASA MO ANG
Langit Sa Piling Mo (Book1: Complete)
RomansaComplete story Rated S.P.G Maraming bed scene po sa kwentong ito. Kwento ng isang dalagang hindi natuloy sa pagka madre dahil na in love sa kanyang boss na babaero. Follow me for book 2 of this story! Thanks for reading!