Chapter 12

934 34 0
                                    


HINDI malaman ni Joy kung ano ang dapat gawin nang maglapat ang labi nila ng binata. Kinabig nito ang kanyang batok kung kaya hindi mailayo ang mukha mula dito.

"Uhmmp!" Pilit na nanlaban at tinutulak si Yosef ngunit lalo lamang naging marahas ito sa paghalik sa nakatikom niyang bibig.

"Ouch!" Daing ni Yosef at pinutol ang halik dahil inapakan ng dalaga ang kanyang paa.

"Bakit mo ako hinalikan! Manyak ka talaga kahit kailan, paano na kapag nalaman ito ng mga Madre? Baka hindi na nila ako tanggapin!" Umiiyak na sumbat ni Joy dito habang pinapalo ang palad sa dibdib ang binata.

"So ako ang first kiss mo?" Malapad ang ngiti na tanong pa nito at hindi ininda ang palo ng dalaga. Hinayaan niya lang ito na saktang siya hanggang sa mapagod.

"Nagawa mo pang matuwa na damuho ka!" Lalong nagalit ang dalaga, tumigil ito sa pag-iyak at padabog na iniwan ang binata sa labas ng bahay.

Sumisipol habang nakangiti si Yosef na sinundan ang dalagang galit sa kanya. Mabilis ang hakbang at hinarang ang sarili sa pintuan bago pa ito tuluyang sumara.

"Umalis ka na dahil ayaw ko na makipag-usap sa iyo!" Bulyaw ni Joy sa binata at tinutulak pasara ang pinto.

"Huwag ka na magalit, hindi bagay sa iyo at tsaka bad ang magalit sa kapwa ayon sa banal na kasulatan."

"Huwag mo isali dito ang bagay na iyan!" Umiyak na naman ito dahil pakiramdam niya ay isa na siyang maruming babae.

"Hey, sorry na!" Tangkang yayakapin niya ito upang aluin ngunit umurong ito palayo sa kanya.

"Mabubura ba ng sorry na iyan ang halik mo sa akin!" Asik ng dalaga dito at lalong lumakas ang iyak.

"Tsk parang bata, halik lang iyon at mabuti na din na hindi ka na nila tanggapin dahil tuluyan ka na maging akin." Anito at sumandal sa nakasarang pintuan.

"Ayaw ko sa iyo!"

"At kanino mo gusto, kay Mark?"

"Mas mabuti pa sa kanya at gentleman siya tsaka hindi babaero." Nakasimangot na tugon ni Joy. Gusto niyang makaganti dito sa pamamagitan ng pag-apak sa pride nito. Alam niya na gusto lamang siya makuha nito tulad sa mga babaeng nagdaan sa buhay ng binata.

"Wala akong pakialam kung iyan ang tingin mo sa akin, you are mine and no one can touch you except me!" Pinalidad na wika ng binata habang pinasadahan ng tingin ang suot ng dalaga. Ang sexy nito tignan kahit simpleng bisteda lamang ang suot nito at hindi gaanong hapit sa katawan.

"Sabihin ko kay Mark na bayaran ka sa nagastos mo sa aking kapatid, mapera din iyon." Humalokipkip sa isang tabi na wika ni Joy.

"Sinusubokan mo ba talaga ang aking pasensya?" Galit na umalis sa pagkasandal sa pintuan ito at humakbang ng mabagal palapit sa dalaga na naging alerto sa paglayo sa kanya.

"Mas masarap ba siyang humalik keysa sa akin?" Salubong ang mga kilay na pilit hinuhuli ng tingin ang mata ng dalaga na umiiwas sa kanya.

"O-oo," pautal na sagot ng huli dahil hindi kayang magsinungaling at patuloy sa paghakbang paurong.

"Talaga? Anong lasa?" Sarkastikong tanong ulit nito.

"May lasa pa ba iyon?" Nataranta si Joy nang ma-corner siya ng binata sa isang sulok ng maliit na bahay.

"Yes, kapag nasagot mo ng tama ay uuwi ako pero kapag hindi eh dito ako matutulog." Tinukod nito sa dingding ang dalawang kamay sa magkabilang balikat ng dalaga.

"Ano ba, tinatakot mo na ako eh!" Ang lakas ng kabog ng dibdib ni Joy ng mga oras na iyon lalo na ng malanghap ang mabango at masculine na amoy ng binata.

Langit Sa Piling Mo (Book1: Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon