Chapter 11

924 37 2
                                    

PINADALA ni Yosef si Marie sa ibang bansa upang doon magpagamot dahil naniniwala sila na may milagro pang mangyayari upang madugtongan ang kanyang buhay. Makabagong teknolohiya sa larangan ng medicine ang bansang Amerika at may nakausap ng doctor si Yosef upang magsagawa sa masilang operasyon ng dalaga.

"Maraming salamat, hindi ko alam kung paano kita mabayaran sa kabutihang ginawa mo para sa aking kapatid." Ani JOY sa binata ng mapagsolo sila sa opisina nito. Hindi siya nakasama sa pagpunta sa ibang bansa kahit pwede naman dahil wala siyang passport. Maantala lamang ang pagpagamot ng kapatid kung hintayin pa na ma-release ang kanyang passport.

"Huwag mo na isipin iyan, sapat na sa akin na manatili ka dito hanggat gusto ko." Makahulogang sagot ng binata.

"Pero kapag bumalik na si Marie, pwede na ako bumalik sa Kumbento hindi ba?" wala man kasiguradohan na mabuhay ang kapatid eh naniniwala siya sa awa ng Diyos.

"No!"

"Why?" Nagugulohang tanong ni Joy sa binata.

Nang aarok ang tingin na pinukol ni Yosef sa dalaga. Maging siya ay hindi alam kung bakit ayaw niya na mawala sa kanyang paningin ito.

"Iyan ang tanging hiling ko na kapalit sa pagtulong sa kapatid mo, ang manatili sa tabi ko."

Mangatwiran pa sana si JOY nang bumukas bigla ang pinto at niluwa niyon ang galit na mukha ni Jinky.

"Wala ka nang oras sa akin pero sa babaing iyan mayrun?" Duro nito kay Joy.

"Ano na naman ba ang problema mo?" Galit na tanong ni Yosef sa dalaga. Kahapon ay nagtalo rin sila at nakipaghiwalay siya ngunit hindi ito pumayag.

"Huwag ka na magkaila, iyan na ba ang tipo mong babae ngayon? Isang manang?" Halos lumabas ang litid ng ugat sa leeg nito dahip sa galit. Nalaman niya na tinutulongan ito ng binata na mapagamot ang kapatid nito at madalas magkasama ang dalawa kahit sa labas.

"Stop talking nonsense Jinky!"

"Huh! At tinatawag mo na lang ako sa aking pangalan tuwing kaharap ang babaing iyan!"matalim ang mga tingin na pinukol kay Joy na tahimik lang sa isang tabi.

"Lalabas muna ako Sir," paalam nito dahil siya ang nahihiya sa binibintang ni Jinky sa kanila.

"Stay here, huwag ka lumabas!" Pigil ni Yosef kay Joy.

"See?" Mapang-uyam na wika ni Jinky.

"Enough Jinky! Wala ng mabuting nangyayari sa relasyon natin dahil sa ugali mo. Aminin ko na may babae nga akong iba pero hindi kasama doon si Divine Joy." Galit na rin si Yosef.

"Ang mabuti pa ay maghiwalay na tayo at seryoso na ako sa pagkakataong ito."

"No! Babe please, I love you so much and I can't live without you! Sige na hindi na ako magseselos sa mga babae mo kahit sa kanya." Turo nito kay Joy. "Basta huwag mo lang ako iwan at ako lang ang pakakasalan mo!" Yumakap ito ng mahigpit sa binata.

"Im sorry but I don't love you anymore." Binaklas nito ang brasong nakapulupot sa kanya. "Umalis ka na at may trabaho pa kaming tatapusin."

"Hindi ako susuko, gagawin ko ang lahat upang bumalik ka sa akin!" Marahas na pinunasan ang luha sa mga mata. Binalingan si Joy at bahagyang binangga ang braso ng dumaan sa harapan nito palabas ng pinto.

"Bakit ganoon ka sa babae?" naawa si JOY kay Jinky.

"Matagal ko ng gustong makipaghiwalay sa kanya at ito ang magandang pagkakataon. Pasensya na at pati ikaw ay nasangkot sa away namin."

"Sana lang ay magbago ka na at wala ng babaeng paluluhain pa." Napailing si JOY, habang nakatingin sa computer.

"Sa tingin ko ay magbabago na nga ako mula sa araw na ito nang hindi ka na ma-turn off sa akin."

Langit Sa Piling Mo (Book1: Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon