Chapter 9

899 36 2
                                    

"MA'M Jinky sandali po!" Pilit na hinaharangan ni Divine Joy ang pintuan ng opisina upang hindi makapasok ito sa loob.

"Kong sasabihin mo na wala siya sa loob o may ka meeting ay huwag ka na humarang diyan kong ayaw mo na ipatanggal kita sa trabaho mo ngayon din!" May kalakasan na bulyaw nito kay Joy. May nakapagsabi sa kanya na may bisita na namang babae ang nobyo kong kaya nagpunta siya roon.

"Ano ba ang ingay na iyan?" Dinig ni Divine ang baritonong boses ng amo kasabay ng pagbukas ng pintuan. Ang babaing ka meeting nito ay nasa likuran ng huli at nakataas ang kilay na nakatingin kay Jinky.

"Sino siya?" Turo ni Jinky sa babaing maganda pero mukhang kagalang galang ang postura.

"Not now Jinky please!" Tiim bagang na bulong nito sa nobya, pure business ang pinag-uusapan nila ng kanyang bisita ngayon.

"Mukhang susugod sa gyera ang girlfriend mo Mr. Villamor? Mauna na ako at ipaalam ko nalang sayo kapag nakapag desisyon na ako kong ang company mo ang aking mapili." Hindi nito gusto ang tingin na pinukol sa kanya ni Jinky.

"Mukhang hindi ko pa ma e-close ang contract sa bago kong kleyinte dahil sa iyo!" Galit na tinalikuran nito ang Nobyo at pumasok sa loob ng opisina.

"Babe I'm sorry! Akala ko kasi babae mo ang nasa loob." Agad ito sumunod sa binata at pinulupot ang dalawang braso sa beywang ng huli mula sa likuran.

Napailing na lamang si Joy na tumalikod. Naawa siya sa babae na halos sambahin na ang binatang babaero.

"Joy pumasok ka rito," tawag ni Yosef ng mapansin na paalis na ito. Binaklas ang pagkayakap sa kanya ng nobya at inilayo ang sarili dito.

"May kailangan ka sir?" Napilitang bumalik si Joy sa loob.

"Umupo ka at may ipapagawa ako sa iyo." Utos ni Yosef sa nag aalangan na dalaga. Paraan niya iyon upang umalis na si Jinky.

"Babe mas mahalaga pa ba iyang papel keysa sa akin?" Nagdaramdam na tanong ni Jinky, masama ang loob dahil binabaliwala na siya ng binata.

"Huwag ngayon Jinky, mag-usap na lang tayo pag hindi na ako abala."

Umalis na lamang ito upang hindi na sila mag-away na dalawa sa harap pa ng secretary nito. Masama ang tingin na pinukol kay Joy bago tumalikod upang pagtakpan ang pagkadismayang naramdaman.

"Bakit ganun ang trato mo sa iyong Nobya Sir?" Hindi nakatiis na tanong ni Joy dito. "Dapat siya ang prioritize mo lalo na at halatang nagselos siya at hindi maganda na pinalalampas ang samaan niyo ng loob."

"Ang sama ng tingin at pakitungo niya sa iyo pero concern ka pa rin sa kanya?" Mataman na tinitigan nito ang kaharap.

"Ano ang masama kung maging concern sa iyong kapwa? Ayon sa bible.."

"Nevermind," putol ni Yosef sa iba pa sanang sasabihin ni Joy. Aantokin na naman siya kapag naglahad ito ng nilalaman ng banal na kasulatan.

Napailing na lang si Joy, makasalanan talaga ang lalaki. "Hindi ka marunong magmahal ng isang babae lang Sir?" Umaasa si Joy na hindi ganun ang lalaki para sa kanyang kapatid.

"Anong klaseng tanong na naman iyan?" Hindi nakatingin sa kaharap na tugon nito at abala sa binabasang papelis.

"Kasi Sir, ang dami mong babae kawawa naman ang mapangasawa mo."

Napaangat ng ulo si Yosef at matiim na tinignan si Joy. "Kapag nag-asawa ako eh titigil na ako sa pambabae at siguradohin ko na hindi siya luluha sa piling ko." Puno ng sinseredad na wika nito.

Nasayahan si Joy sa sagot ng amo kong kaya napangiti siya. Pero bigla din naisip si Jinky kong kaya agad din napalis ang ngiting iyon na kinakunot ng noo ni Yosef.

Langit Sa Piling Mo (Book1: Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon