"KAMUSTA?" Agad na bati ni Yosef kay Blue nang magkita sila muli sa bar.
"Ok lang, balita ko may inuwi kang babae nakaraang linggo?" Bahagyang ngumiti sa kausap ang babae.
"Ah, hindi ko kilala iyon." Napakamot sa batok na sagot ni Yosef.
"Ikaw ha, sobrang hilig mo sa babae baka magkasakit ka niyan ng h.i.v." sermon nito sa binata.
"Hindi iyan, maingat ako."
"Sana lang ay magbago ka pagka natagpuan mo na ang babaeng alayan mo ng iyong pangalan." Malungkot na wika ni Blue.
"Bakit ba tungkol sa ganyan ang pinag-uusapan natin?" nailang bigla ang binata. "Maiba tayo, pumayat ka yata?" Sinuri nito ang pigura ng dalaga.
"Stress lang sa trabaho kaya pumayat. Hindi rin ako magtatagal dahil malayo ang uuwian ko ngayon."
Nakaramdam ng pagkadismaya si Yosef, gusto pa sana niya makipagkwentohan sa dalaga.
"Ihatid na kita kung gusto mo?" Alok nito sa huli.
"No need but thanks! Kasama ko ang driver ko."
Kahit nakangiti ang dalaga ay nababanaag niya ang lungkot sa mukha nito. Gusto niya sana alamin at baka makatulong siya ngunit nagmamadali itong nagpaalam.
...
"TUMAWAG ang kapatid mo."
Natigil sa pagpasok sa kanyang silid si Marie ng marinig ang tinig ng Ina.
"Wala ka ba talagang balak ipaalam sa kanya ang kalagayan mo Anak?" Malungkot na tanong ni Lydia nang hindi umimik si Marie.
"Hindi ko po kaya makita siyang masaktan Mom!" Hindi lumilingon na tugon sa Ina. Mabigat ang mga hakbang na tumuloy sa kanyag silid at nakayukong umupo sa gilid ng kama.
Naawa na sinundan ito ni Lydia, siya ang nasasaktan higit kanino man. Halos maubos na ang kaunting kayaman nilang mag-asawa sa pagpagamot dito ngunit wala ng lunas ang sakit nito na cancer sa ulo. Nakuha nito ang sakit nito noong maliit pa sa hindi niya alam na dahilan. May namuong dugo malapit sa utak at nauwi sa cancer.
"Lalo siyang masasaktan kapag sa huli na niya malaman Anak, alam mo kung gaano ka niya kamahal!"
"Hindi ko po kaya na makita siyang umiiyak Ma, lalo lang po ako mahihirapan na dalhin ang sakit pati ang bigat ng dibdib!" Umiiyak na tugon nito sa kinikilalang ina.
"May awa ang Panginoon Anak, huwag ka mawalan ng pag-asa! Lumaban ka hindi lang para sa amin ng Papa mo kundi para na rin sa iyong kapatid!" Humagulhol na rin ng iyak ang ginang habang yakap ng mahigpit si Marie.
Pinainum niya ito ng gamot ng biglang kumirot muli ag sakit sa ulo. Hilam ng luha ang pisngi ng dalaga na nakatulog. Kinumotan ito ng ginang matapos punasan ng palad ang basang pisngi ng anak. Taimtim ang dasal na sana ay magkaroon ng milagro para sa anak na may malubhang sakit.
....
"MABUTI naman at tumawag ka!" himig nagtatampo na wika ni Divine ng tumawag ang kapatid.
"Ate!" Pinasigla ni Marie ang kanyang boses.
"Oh bakit masaya ka yata?" Nakangiti habang kausap ang kapatid.
"Nagkita po kami kagabi!" Kinikilig na tugon nito.
"Divine Marie! Sinasabi ko sa iyo hindi ko siya gusto para sa iyo! Seryosong sita nito sa kakambal.
"Ate naman, akala ko ba love mo lahat ng love ko?" Parang bata na tugon nito at alam ni Divine Joy na nanunulis ang nguso ng kapatid sa kabilang linya ngayon.
![](https://img.wattpad.com/cover/181300795-288-k426046.jpg)
BINABASA MO ANG
Langit Sa Piling Mo (Book1: Complete)
RomansaComplete story Rated S.P.G Maraming bed scene po sa kwentong ito. Kwento ng isang dalagang hindi natuloy sa pagka madre dahil na in love sa kanyang boss na babaero. Follow me for book 2 of this story! Thanks for reading!