Chapter 7

895 36 0
                                    

"HEY!" Masayang bati ni Yosef kay Blue nang mamataan ito. Ilang gabi na rin siya tumatambay doon sa pagbabaka sakali na makita muli ang babaing gumugulo sa kanyang isipan nitong mga nagdaang linggo.

"Miss me?" Nakangiti ngunit matamlay ang mukha ng dalaga.

"What's wrong?" May pag-alalang tanong ni Yosef sa dalaga. Naka suot ito ng makapal na Jacket na may saklob na nakasuot ngayon sa ulo nito.

"Mapagbigyan mo ba ako sa hihilingin ko kong sakali?" Malungkot na tanong ng dalaga.

"Bakit ganyan ka kung magsalita? Para ka naman namamaalam." Biro ng binata pero nakaramdam siya ng kaba. Naiisip palang niya ay nalulungkot na siya.

"I'm dying!"

Maiksi at mahinang salita pero parang bombang tumama sa pandinig nang binata.

"Huwag ka naman magbiro nang ganyan.."

"I'm serious!" Putol nito sa iba pang sasabihin sana ng binata.

"Mahaba na ang isang buwan na taning nang Doctor sa akin." Patuloy nito ng hindi na nakapagsalita si Yosef.

"Why? I mean how?" Tuliro ang isip ng binata, hindi alam kong  ano ang dapat itanong sa dalaga.

"I have brain cancer," mapait na ngumiti ang dalaga sa kaharap.

"Pero yong huli nating kita nakaraang linggo ay ang ganda pa ng kalusugan mo? Hindi pa rin makapaniwala ang binata sa naririnig at nakikita na bigla na naman bumagsak ang katawan ng dalaga.

"She's my twin sister."

"What! Pinaglalaruan mo ba ako? Ano ang motibo mo sa pakipaglapit sa akin?" Iba na ngayon ang tinatakbo ng isip ng lalaki.

"I'm sorry, I like you from the very first time I saw you. Believe me or not, wala akong balak na masama sa iyo. Masaya akong lilisan sa mundong ito dahil sa iyo kong mapagbigyan mo ang aking kahilingan."

Para namang natauhan si Yosef sa narinig na paliwanag ng dalaga. Nakalimutan niya na may sakit ito.

"I'm sorry kong nag-isip ako ng hindi maganda sa iyo, aaminin ko masaya ako na kausap ka at nakakasama kahit hindi ko alam ang tunay mong pagkatao o pangalan."

"My name is Devine Marie, ang nakausap mo noong nakaraan ay ang aking kakambal. Tulad ng sabi ko, may intensyon ako sa pakipaglapit sa iyo at iyon ay para sa aking mahal na kapatid." Malungkot ang dalaga sa pagka alala sa kakambal.

"Kaya pala iba ang ugali niya noong mag-usap kami. Mas mabait ka kaysa kanya!" Nakangiti na ngayon si Yosef pagka alala sa katarayan ng kapatid nito.

"Naku diyan ka nagkamali," umiiling na kontra nito sa pagkakilala sa kanyang kapatid. "Mas mabait siya keysa sa akin, kaya ganun ang pinakitang ugali sa iyo dahil ayaw ka niya para sa akin."

"Really? Bakit naman ayaw niya ako para sa iyo?" Naaliw na naman ang binata sa pakipagkwentohan dito. Nakalimutan na ang sakit ng dalaga.

"Arogante ka daw at hindi kuntento sa isang babae, mapaglaro ng damdamin at hindi maginoo."

Napakamot ng batok si Yosef, hindi niya maipagkaila na totoo ang impression sa kanya ng kapatid nito. "Pero maginoo naman ako lalo na sa kama!" Kontra ng kanyang isip na hindi maisatinig.

"Mukhang maging siya ay stalker ko rin katulad mo?" Tinukod ng binata ang sariling baba sa kamay na nakapatong sa lamesa.

"Parang ganun na nga dahil ang alam niya ay mahal kita ng sobra at gusto niya malaman kong nararapat ka ba sa akin o hindi." Tumawa ng pagak ang dalaga.

Langit Sa Piling Mo (Book1: Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon