Engkanto 12

7.1K 209 6
                                    

Naalimpungatan sya ng makarinig sya ng tunog ng isang munting kampana. Dahan-dahn nyang iminulat ang kanyang mga mata at nakita nya ang isang bulto na nakatayo sa paanan ng kanyang kama.

Ngumiti ito sa kanya bago iniyuko ang itaas na bahagi ng katawan nito tanda ng paggalang. "Ipagpaumanhin mo po ang pag-istorbo ko sa iyong tulog, kamahalan."

Kinusot-kusot nya ang kanyang mga mata at humikab bago bumangon sa kama. "Ano ang iyong sadya, Atlas?"

Muli itong yumuko sa kanya. "Ipinapatawag ka po ng iyong amang hari sa bulwagan ng pagpupulong, kamahalan."

Napangiwi sya sa sinabi nito at napakamot sa kanyang ulo. "Wag mo na lang akong tawaging kamahalan, Atlas. Tayong dalawa lang naman ang nandito."

"Masusunod, Janus." anito habang inaayos ang kamang hinigaan.

"Ano bang kailangan ni ama sakin? Ang aga-aga pa eh. Ang sarap sarap pang matulog. Nakakatamad pang bumangon." nakangusong sabi nya dito.

Tumawa lamang ito at ginulo ang kanyang buhok. "Ikaw talaga, Janus. Pag tungkol sa mga tungkulin mo bilang prinsipe ng Illustra ang usapin, napakatamad mo. Pero kapag naman usapin sa puso-----"

Itinaas nya ang kanyang dalawang kamay bilang tanda ng pagsuko at tinignan ito ng masama. "Oo na, oo na. Hihirit pa ng pang-aasar eh."

Tumawa lang ito. "Sya nga pala, naihanda ko na ang iyong susuotin. Magmadali ka at baka mainip ang iyong amang hari." anito at lumabas na ng kanyang silid.

Kahit labag sa kanyang kalooban ay sinunod nya ang mga sinabi nito.

NANG makarating sya sa bulwagang sinasabi ni Atlas ay napansin nya kaagad na medyo marami ang nandoon. Napakunot ang kanyang noo. Hindi nya alam kung ano ang nagyayari. Ni wala syang ideya na may magaganap pa lang kung anong pagpupulong ngayon. At tsaka, hindi rin naman sya interesado. Sa tuwing may pagpupulong kasi sa kanilang kaharian, nandoon ang kanyang presensya pero hindi naman sya nakikinig. Aantukin lang sya kapag pilit nyang isasaksak sa utak nya ang mga pangaral sa kanya ng konseho at ng kanyang ama. Mas gusto nyang mamuhay ng malaya at walang kahit ano pa mang tungkulin na kanyang aabagahin.

Napalingon naman ang lahat sa kanya ng makapasok na sya sa bulwagan. Agad namang ipinaalam ng punong mensahero na si Hermes ang kanyang pagdating. Aaminin nya, kahit lumaki syang mulat sa kanyang magiging tungkulin balang araw ay hindi pa rin sya sanay sa labis na atensyon na kanyang natatanggap.

Ang Manliligaw Kong Engkanto [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon